Chapter 7

808 19 0
                                    

Flashback..

Author's POV

Noong bata pa sila Nash at Jairus, mahilig na silang maglaro sa labas.

Walang araw na hindi sila lumabas ng mga bahay nila.

Isang araw, habang naglalaro sila sa kalsada mismo, may nakakita sa kanila na isang lalaki.

Nilapitan sila nung lalaki at pinagsabihan na wag masyadong maglaro sa kalsada dahil delikado yun.

Hindi nakinig sila Nash.

Kaya umalis na lang yung lalaki.

Kinabukasan, naglaro nanaman sila Nash at nandun nanaman yung lalaki.

Pero may dala na itong bola ng basketball.

Lumapit ulit sa kanila yung lalaki tapos inaya sila na makipaglaro ng basketball sa kanya.

"Hindi kami marunong nyan! Tsaka baka kidnapper ka! Bakit kami sasama sayo?" Tanong ni Jairus.

"Eh kesa naman dito kayo sa kalsada naglalaro kung saan napakadelikado. Baka masagasaan pa kayo ng kotse. Maraming lasing na nagmamaneho kahit may araw pa." Sagot nung lalaki.

"Hindi nga kami marunong magbasketball. Hayaan mo na lang kaming maglaro dito sa kalsada." Sabi ni Nash.

"Tuturuan ko naman kayo eh. Ganito na lang. Pag pumayag kayong magpaturo sakin ng basketball, tuwing maglalaro tayo, dadalhan ko kayo ng pagkain." Sabi nung lalaki.

Napaisip sila Nash at Jairus at nagbulungan.

"Oy brad. Ano? Hindi naman mukhang kidnapper eh. Tsaka tuturuan na tayo, papakainin pa tayo." Sabi ni Jairus.

"Ayos lang naman sakin eh. Ikaw lang naman nag-iisip na mukha siyang kidnapper. Tara. Subukan na natin. Pero kung hindi tayo papakainin, alis na tayo." Sabi ni Nash.

Nilapitan na nila yung lalaki at sinabi na payag na silang matuto basta papakainin sila ng libre.

Natuwa naman yung lalaki kaya pinasunod na niya sila Nash at Jairus sa malapit na basketball court.

Pagkatapos nilang maglaro, pinakain nga talaga sila nung lalaki tapos umuwi na sila.

Nagtuloy-tuloy ang pakikipaglaro nila sa lalaki hanggang sa gumaling na sila sa paglalaro ng basketball.

Naging malapit na rin sila rito at tinatawag nila ang lalaki na "Coach" dahil ayaw ibigay nung lalaki ang tunay niyang pangalan.

Pagdaan pa ng ilang araw, naging mahusay na ang dalawa sa paglalaro at nakasali na sila sa basketball team ng school nila.

Mula noon, lagi nang nasa court ang dalawa kasama si Coach.

Hindi lang basketball ang itinuro sa kanila ni Coach, kundi pati rin ang mga mabubuting asal na dapat nilang matutunan.

Minsan ginagabi pa sila dahil ayaw umuwi nila Nash at Jairus sa kanilang mga bahay.

Isang araw, hindi pinayagan si Nash ng mama niya na lumabas dahil nga nagpapagabi na ito.

Nagalit si Nash sa mama niya dahil may laban sila sa school ngayon at isa siya sa mga pinakamagaling na manlalaro sa team nila.

Nag-away sila ng mama niya.

"Hindi mo ko naiintindihan! Wala naman akong masamang ginagawa ah! Buti nga sumasali pa ko sa mga ganyang bagay eh kesa yung naglalaro lang sa kalsada!" Sigaw ni Nash sa mama niya.

"Anak. Hindi naman kita pinag-iisipan na may masamang ginagawa. Nag-aalala lang ako na baka kung anong mangyari sayo lalo na pag ginagabi ka. Hindi ka naman namin mabantayan ng papa mo dahil pareho kaming may trabaho. Wag ka nang lumabas ng bahay. Mukhang uulan pa oh."

"Nag-alala pa kayo eh kayo naman ang laging wala dito!"

Tumakbo si Nash palabas ng bahay nila, papunta sa school niya.

Hinabol siya ng mama niya.

Bigla na lang bumuhos ang ulan nang malakas pero tuloy pa rin ang pagtakbo ni Nash at ang paghabol ng mama niya sa kanya.

Bago makarating si Nash sa school, may narinig siyang malakas na pagbusina ng truck at paglingon niya, nakita niya ang mama niya na nakahandusay sa kalsada't walang malay.

Agad namang bumwelta yung truck at hindi na napigilan ng mga lumapit na mga tao.

Tumigil ang oras para kay Nash.

Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya.

Nakikita niya lang na napapalibutan ang mama niya ng maraming tao hanggang sa hindi na rin niya makita ang mama niya.

Isinugod ng mga tao ang mama niya sa ospital pero huli na ang lahat.

Mula nung araw na yon, nagbago na ang buhay ni Nash.

Lagi nang umuuwi na lasing ang papa niya at minsan pa, binubugbog siya habang sinasabi na si Nash ang pumatay sa asawa niya.

Pero ni minsan, hindi umiyak si Nash.

Pumupunta siya sa court kung asan andun ang Coach at naghihintay sa kanila.

Pero walang ginawa si Nash kundi ang sisihin ito sa pagkamatay ng mama niya.

Sinubukang ipagtanggol ni Jairus si Coach dahil wala namang kasalanan ito pero pinigilan siya ni Coach mismo.

Sinabihan ni Coach na kailangan nilang intindihin si Nash dahil may pinagdadaanan siya at sumunod naman si Jairus.

"Kasalanan mo to! Kundi dahil sa pag-aya mong makipaglaro kami sayo, buhay pa sana ang mama ko!!" Sigaw ni Nash kay Coach.

Hindi umimik si Coach at naglakad palayo pero tuloy parin ang paninisi ni Nash sa kanya habang pinipigilan ni Jairus si Coach na umalis.

"Jairus, pasensya ka na pero kailangan ko na kayong iwan ni Nash. Alam kong hindi niya ko mapapatawad kahit na wala akong masamang ginawa. Aalis na ko para hindi na siya mahirapan. Wag mo siyang pababayaan Jairus at wag mo rin siyang sisisihin sa pag-alis ko ha. Magpakabait kayo."

Mula nong araw na yon, hindi na talaga bumalik si Coach pero hindi na nagbago ang tingin ni Nash sa kanya.

Lagi pa ring pumupunta si Jairus sa court para tignan kung bumalik na ba ang Coach nila pero wala, hindi na talaga ito bumalik.

----

@pusongmamon44

One Life [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon