Chapter 29
Debbie's POV
"Huy, tulaley ka nanaman?" pumipitik pitik sa tapat ng mukha ko si sam nang sabihin iyon. Agad ko naman siyang nginitian ng maupo siya sa katapat kong silya. Kagaya ng una naming pagkikita, meron nanaman siyang inilapag na tasa ng kape at inilapit sa akin.
"ang akala ko wala ka. Hindi kita napansin ng pumasok ako dito."
"Galing lang ako sa loob, may ginawa lang. Teka, Di mo pa sinasagot ang tanong ko. bakit ka nanaman tulala?" Aniya at nangalumbaba. Titig na titig siya sa akin at hinihintay ang isasagot ko.
"Wala naman, meron lang akong iniisip. Piling ko kasi, mas dumaragdag pa ang mga pinuproblema ko ngayon." Sagot ko. Yumuko ako sa kapeng nasa aking harap at tinitigan ang repleksion ko duon. Pero kahit ang sarili ko parang di ko na kilala.
Magulo na ang isipan ko ngayon. Lalo pang Dumagdag nang magtapat ng pagibig sa akin si archie. ayoko namang maging unfair sa kaniya Kung tatanggapin ko ang pagibig niya sa akin, Lalabas lang na pinilit ko lang ang sarili ko na mahalin siya.
Sunod sunod akong umiling at malalim na nagbuntong hininga at saka Inangat ang paningin kay sam. Tila nakikisimpatya naman siya sa akin.
"Sa tingin ko, mukhang mas malalim nga yan." Sabi niya habang tumatango. Pero nagulat ako ng bigla uli siyang pumitik. "Teka, maiba ako. Nagamit mo ba yung ticket na binigay ko sayo?"
"Y-yung ticket? . . . oo. Salamat nga pala uli dun."
"Alam mo, pinanuod ko rin siya. Yun nga lang di ako masyadong natuwa."
"Paanong di ka natuwa?" Kunot noo na tanong ko sa kaniya. Lumipat ang tingin ni sam sa labas ng coffee shop at tinanaw ang mga naglalakarang tao.
"Marami kasing binago sa kwento, eh. Para sa akin hindi siya maganda?" Bahagya siyang napasimangot habang sinasabi yun. Di ko naman naiwasang mapangiti sa reaksyon niya.
"Paano nasabing hindi maganda, happy ending naman diba?" Tanong ko. Humigop ako sa kape habang nakatingin sa kaniya. Muli siyang lumingon uli sa akin at parang bata lang na umiling.
"Nawala kasi yung pinaka paborito kong karakter sa kwento. Yung bidang lalaki na si edmon dantes, hindi naman talaga niya nakatuluyan sa ending yung fianceé niyang si mercedes, eh. Kung sa movie, may happy ending silang dalawa, sa libro hindi. . . dapat kasi makikilala ni edmon dantes si haydee. Ay, grabe. Napaka bluff ng pagkakagawa nila."
"Haydee?"
"Oo si haydee. In the end of the book, kasi si haydee naman talaga ang naging bago pagibig nung bidang lalaki sa kwento. Pero Bago sila nagmahalan naging alipin muna si haydee nung bidang lalaki. Sa libro kasi, Binili ni edmon dantes si haydee para gawing kasangkapan sa paghihiganti sa mga taong nanakit sa kaniya. Hanggang di nagtagal nakita niya kay haydee ang bagong pagibig." ngumingiting pagkukwento niya sa akin. "Alam mo, Si haydee talaga ang pinaka paborito kong character sa nobelang yun. Kahit ginamit lang siya sa umpisa ng bidang lalaki. Siya parin ang minahal sa bandang huli. Pero kaya akala ng iba, si marcedes talaga ang minahal ni edmon dantes. Pagkatapos nun nawala na si haydee sa kwento."
Minahal. . . sa bandang huli? Pwede nga kayang mangyari iyon? Iibig ka sa taong ginamit mo lang para maghiganti sa iba? Posible nga kayang. . .
Mahalin din kaya ako ni xander, kahit pa ginamit niya lang ako? Maari nga kaya?
Yun ang mga agam agam na biglang naglaro sa utak ko. Sa madaling salita, umaasa pa rin akong baka may pagasa pa ngang mahalin ako ni xander.
O baka naman Umasa ka lang sa wala? Bakit ba hindi mo magawang gumising sa realidad, debbie at kalimutan siya? Hindi naman maaaring ang isang kwento ay pwedeng magkatotoo.
BINABASA MO ANG
🔞 I'm His Private Property [UNDER EDITING]
General FictionGuwapo pero tila may tinatago sa pagkatao nito si xander. Ngunit sa kabila niyon ay ibinigay parin ni debbie ng buong buo kay xander ang lahat ng meron siya. Even her heart. She willing to do everything for his love. Ngunit paano kung kabiguan at h...