Mikaelle's POV
Nagsimula ng mag lecture si Mrs. Tonillo tungkol sa introduction ng Physics. Really? On the first fûcking day of class? Bumuntong hininga ako at nagkamot ng ulo. Hindi mapakali ang mga paa ko sa kakagalaw at kakakuyakoy. Para bang unti-onting nawawalan ng oxygen ang loob ng classroom.
Kahit anong gawin kong pilit sa pakikinig ay wala talaga akong maintindihan. Naglalaban ang dalawang parte ng utak ko kung makikinig ba ako o hindi. Nanalo ang isa kaya eto ako ngayon nginangatngat na ang dulo ng aking ballpen at lumilipad na sa ibang lugar ang isip ko.
"You should take down notes." Pinutol ng boses na iyon ang mga iniisip ko sa kawalan. Kumunot ang noo kong nilingon kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Sa isang gilid ko ay babae ang katabi ko at boses lalaki naman iyong nagsalita kanina. Nilingon ko ang katabi ko sa kanan at isang tisoy na lalaking busy sa pagsusulat ng kung ano sa notebook niya.
Nilingon ko paligid at halos lahat sila ay nagsusulat nga. Mabilis kong nilabas ang notebook ko noong nakaraang taon pa dahil sa hindi ko man lang ito nagamit. Pinunasan ko ang dulo ng ballpen ko dahil puno na ito ng laway ko. Akmang magsusulat na din sana ako pero bigla akong napatigil. Ano nga ba ang isusulat ko?
Sinilip ko ang notebook ng lalaking nagsalita kanina sa aking kanan. He immediately move his notebook away from me. Kumunot ang noo ko muli. Aba! Napaka damot naman yata ng isang to!
"Hindi ito exam para mangopya ka. Do your own notes." Aniya at halos manggigil ako sa inis.
Padabog akong gumalaw sa upuan ko para maalog siya. "Duh, eh ang pangit kaya ng sulat mo? Baka di ko pa maintindihan yan noh!" Parang batang sabi ko. Yabang mo!
Naramdaman ko ang paglingon ni Mrs. Tonillo sa banda ko kaya nag ayos ako agad ng upo. Mumunting "tss" lang ang naririnig ko sa lalaking katabi ko.
Ilang sandali pa ay natapos na rin ang klase ng Reyna ng mga tornilyo. Parang nakahinga ako ng maluwag dahil dun. One subject down, Six more to go. Pilit kong pag c-cheer up sa sarili ko para hindi lang ako tamarin at mag cutting ngayong araw na ito.
May pumasok na estudyante at may kung ano siyang sinulat sa blackboard. Binasa ko kung anong nakasulat rito at halos magbunyi ako ng sinabing wala ang susunod na teacher namin sa Filipino. Mabilis kong niligpit ang gamit ko at aalis na sana ng marinig ko ang pangalan ko.
"Mika!" Lumingon ako at isang grupo ng mga lalaking kaklase ko ang lumapit sa akin. Huminto ako.
"Bakit?" Tinaas ko ang kilay ko dahil kating kati na ako lumabas ng classroom.
"Ako nga pala si Troy." Naglahad ng kamay iyong kalbo. Tiningnan ko ang uniporme niyang kulang na lang ay habulin ng plantsa! Nakapa gusot! Tinanggap ko ang kamay niya at tinanguan siya.
"Ako si Bryan." Iyong medyo chubby na may malaking silver na kwentas ang nagsalita. Gusto kong matawa. Whats up niggàh! Hahahahaha. Tinanggap ko rin ang maladamulag niyang mga kamay.
"I'm Nicholas." Natawa na talaga ako ng tuluyan dahil kapangalan pa ng isang ito ang Papa ko. "But you can call me Nico." Napakamot siya sa kanyang ulo. He's cute tho. With his reddish pimples around his cheeks para siyang naka blush on. Tinanggap ko rin ang kamay niya. "Hoy!!! KB! Halika dito!" Tinawag niya iyong lalaking katabi ko kanina. I rolled my eyes. Tamad na tumayo iyong tinawag niyang KB. Lumapit siya sa kung saan kami nakatayo at nakapamulsang humarap sa amin.
"What?!" Aniya sa iritadong tono. Ngumiwi na ako. Ay pucha! Napakayabang talaga ng isang to. Pasalamat siya, siya ang pinaka gwapo dito sa apat na to, kundi hahampasin ko na siya nitong bag na dala ko.