MIKHA'S POV
Kalaunan din ay bumalik na sina Sir Lester at Luna sa aming table. Sumunod ding dumating ang pagkain at kahit na pinapaso ako ng mga titig ni King ay binalewala ko iyon at kumain na lang.
Matapos ang dinner na iyon ay isa isa kaming hinatid ni Sir Lester. Nauna bumaba si Luna dahil siya ang pinaka malapit na bahay. King insisted that i should go next, at siya na ang huli. Kaya iyon ang sinunod ni Sir Lester. Nagpasalamat ako kay Sir at saka bumaba ng makarating na kami sa aming bahay.
Nakatambay si Papa sa labas kaya ay lumapit siya sa sasakyan at kuryosong sinilip kung sino ang naghatid sa akin. Hinila ko si Papa para makaalis na sina Sir, buti naman at nagpatianod rin ito.
"Napapadalas ang pag hatid sayo nun ah. Boyfriend mo?" Tanong ng aking ama habang papasok kami sa loob ng bahay.
Nasa sala ang dalawa kong kapatid na babae kasama ang Mama nila, nanonood ng tv. Binati ako ng mga kapatid ko pero tinanguan ko lang sila. Nakasunod pa rin si Papa sa akin nag aantay ng isasagot ko.
"Hindi ko boyfriend yun." Tamad kong sagot.
Alam kong napapadalas ang paghatid sa akin ni Sir Lester kaya impossibleng hindi iyon mapansin ng pamilya ko.
"Eh sino? Manliligaw mo?" Tanong muli niya.
Dumiretso ako sa kusina at binuksan ang ref para kumuha ng malamig na tubig. Nakaabang pa din si Papa sa sagot ko.
"Hindi rin..." sagot ko matapos lagukin ang isang basong tubig. Nilapag ko ang baso sa sink at saka iniwan ang ama roon sa kusina. Dumiretso ako sa aking kwarto at saka naligo.
Paglabas ko ng shower ay panay ang tunog ng aking cellphone. Sinagot ko iyon, ni loud speaker dahil nagpupunas ako ng aking buhok.
"Is this Mikhaela?" Ang malamig at malalim na boses ni King ang umalingawngaw sa aking kwarto. Napahinto ako sa ginagawa at nanlamig ang kamay kong pinulot ang phone, tinanggal ang pag kaka loud speaker nito.
"Yes... sino to?" Nagkunwari akong hindi ko nakilala ang boses niya. Pero ang totoo, kilalang kilala ko ito.
"KB." The way he said his name made me quiver. It sound so good.
Napaupo ako sa aking kama at napakagat sa aking labi. I flipped my long wet hair and watched my self in the mirror inside my room while talking to him. The only light that shining inside my room is my one piece lamp shade on the side of my bed.
"I did not expect you'd call." I honestly said over the phone.
Tumikhim siya bago nagsalita muli. "I have your number for a long time." His voice is so deep, pakiramdam ko nakahiga siya habang kausap ako.
"Bakit ngayon ka lang tumawag? I mean bakit ka napatawag?" My own words caught me off guard.
"Madalas ka pa lang ihatid ni Sir Lester pauwi." It was not a question. His voice sounded sure and judging.
"Paano mo naman nalaman yun?"
"He told me..." malamig at mataray niyang sagot.
"Dahil ba jan kaya ka napatawag?" I left a small giggle at the end. Lumuluwag ang kapit ng tuwalya sa aking katawan. I saw my reflection and heat spread in my entire body even though the air-conditioner is in full blast. Boses pa lang iyon ni King pero nang iinit na ako.
Hindi ko alam ano ang ginawa niya sa akin at Ano ang meron siya para buhayin ang alab ko. After having sex with him, we did it again, i let him... at hindi ako ganito. After him, wala nang sumunod.
I can get any man i want... anytime i want, lalo na kapag nag effort pa akong kunin ang gusto ko, sigurado akong nakukuha ko. But lately, i have no interest having sex with other guys. This is because of him. And now i'm sure of it.