Part 14: tigang

173 11 7
                                    

Mikha's POV

Pagkatapos ng klase ay dumideretso ako sa Library para sa meeting ng Club. Minsan ay inaantay ako ng mga kaibigan, madalas ay hindi na ako nagpapa antay sa kanila. Madalas rin kasi akong ihatid ni Sir Lester at palagi niya akong inaalok na mag dinner tuwing ganoon pero palagi akong tumatanggi.

"Sumabay ka na sa akin Mikha." Mahinang sabi sa akin ni Sir Lester matapos akong mag ayos ng gamit dahil kakatapos ko lang i arrange ang mga libro sa sports section. Tapos na ang araw at halos papalubog na ito. Hindi ko alam pero ang pag aayos ng mga libro sa Library ay kinakagiliwan ko nitong mga nakaraan. Kahit naman na hindi ako mahilig magbasa. I find it therapeutic.

Inangat ako ng tingin ko kay Sir at pagod na ngumiti. "Sige po Sir."

Tumikhim si King sa gilid namin, at yes kanina ko pa nararamdaman ang pag aaligid niya. Hindi nga lang niya masyadong pinapahalata dahil nandito rin ang nobya niya.

Umirap ako sa kanya at bumaling na lang kay Sir. "Punta lang ako ng Cr, ill be back Sir." Sabi ko at dumiretso na.

Iilan ang lumabas sa Girl's CR, pero nag iisa na lang ang nasa loob. King's girlfriend is looking at her reflection in the mirror while slowly combing her long hair. She looked at me then smile. Tinanguan ko lang siya at saka nilapag ang gamit ko sa harap.

I started scrolling my things and when i found my powder ay iyon ang ginawa ko kasunod ay manipis na pag lipstick.

Luna is still combing her hair like she's Rapunzel. Nakita kong nakatingin siya sa repleksyon ko sa salamin.

She's pretty and sophisticated. Mahihinhin ang bawat galaw at hindi makabasag pinggan. Maputi at matangos ang ilong. She doesnt wear make up but she still look so fresh and young.  Wala akong maramdamang hindi maganda sa kanya o may bahid ng pagkasama. She's so pure and i hate to admit it but we are totally the opposite. Kaya naman parausan lang ako ng nobyo niya. I still remember what he said to me the last time we talk, i'll change it, the last time we fought. He said, he will fuck me and he will make love to her.

Napadabog akong naibalik ang lipstick sa bag. Bahagya siyang nagulat dahil doon kaya ay ngumisi lamang ako at nagpatuloy sa ginagawa. Nagsuklay din ako ng buhok at pinanood niya akong gawin iyon.

"Uhmm.. Mikha?" Sa wakas ay binasag niya ang katahimikan.

Tinaasan ko sya ng kilay sa harap ng salamin at ngumiti. "Yes?"

"I know its so random to ask you about this pero, what's your perfume?"

Nagulat ako sa naging tanong niya. I did not seem to mind my smell since i cant smell my self pero kung kuryoso syang malaman ang pabango ko ay marahil naaamoy niya ako.

Nang hindi ako agad sumagot ay matabang syang tumawa at bumalik sa pagssuklay. What's with her hair though? Kanina pa siya riyan.

"Its just an ordinary Vanilla perfume."

"Ang bango kasi. Minsan magka amoy kayo ni King. He insist that he dont wear perfume kaya ng maamoy kita, i remember smelling the exact same thing with him." Alam kong walang halong sarkastiko o pagdududa ang pagkakasabi niya o pakiramdam ko lang iyon? And the fact that he smell King with vanilla scent making me think that after every passionate encounter with him, he still see her and go out with her or something. At naiirita ako kapag naiisip ko yun.

"Really? Magkaklase kami siguro kapag nag sspray ako natatamaan siya." Sabi ko...

"Maybe that's why... bibili rin ako ng ganyan. I like it!" Aniya at ngumiti ng pagkatamis tamis.

"Luna?" Ang nagdadalawang isip na pagtawag ni King sa labas ang pumutol sa plastikada kong ngiti.

"Yes babe, i'm coming..." ngumuso ako ng marinig iyon. i wonder if she scream that one too when their alone.

A Match Made in BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon