Part 7: worser

993 18 12
                                    

Mika's POV

Kumalma ako at pinagpatuloy ang paghinga ng malalim. Umupo ako sa aking upuan kahit hindi ako inutusan ng teacher. Hindi ko rin naman alam ang sagot kaya wala din siyang mapapala sa akin.

Kinuyom ko ang mga kamay ko na kaninang hawak ni King. Hindi ko alam kung paano niya ako napakalma ng ganun. Kung hindi niya siguro ginawa yun ay paniguradong ma ddrop na ako sa subject na ito or worst ay tuluyan ng ma kick out. Nilingon ko siya at diretso pa rin ang tingin niya sa harapan. Pinilit kong makinig sa aming guro pero inis lang ang dumadaloy sa aking isipan.

Hindi ako masyadong madamdamin pero kapag inagrabyado ako sa harapan ng marami ay natural na lumalabas ang halimaw na anyo ng ugali ko.

Matapos ang klase na yun ay lumabas na ako ng classroom at dire-diretsong lumabas ng school. May dalawang subjects pa akong natira pero dahil sa inis ko ay hindi ko na muna sila papasukan.

Tinawagan ko ang kaibigan kong si Sarah. Buti na lang ay hindi pa umpisa ang klase nila sa college kaya ay nasa bahay lang siya. Pinuntahan ko siya at niyayang uminom. Pumayag siya at sabi magkita na lang kami sa malapit na gimikan. It's still early to party pero walang pinipiling oras ang alak.

"Hoy gaga! Naka school uniform ka pa!" Sabi ni Sarah at nakipag beso sa akin. Ngumiwi lamang ako at saka ngumisi.

"Kaya nga kita pinagdala ng extrang damit diba?" Marahas kong hinablot sa kanya ang dalang paper bag at saka kami nagtawanan.

Pumasok kami sa isang fastfood restaurant at dumiresto sa banyo nito para makapag bihis. Natatawa akong tinitigan ni Sarah ng makapasok kami sa banyo. May tao pa kasi sa loob ng cubicle kaya ay pareho lamang kaming nakatayo doon.

"What? Anong nakakatawa?" Inayos ko ang buhok ko at umiling iling si Sarah na tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

"Nothing. It's just that... I can't believe after all these years suot suot mo pa rin ang highschool uniform natin." Natatawang sambit niya. Pilit akong tumawa. Kung alam lang niya kung gaano ko na kagustong itapon itong unipormeng ito. I just want to get out from highschool and this shît i'm doing right now is not helping me. Nag cut na naman ako ng klase.

"Sige lang, pagtawanan mo lang ako. Papasan ba't ggraduate din ako. Tiwala lang." I said sarcastically. Tumawa na kami pareho.

Nang sa wakas ay natapos na ang nasa loob ng cubicle ay pumasok na ako at nagbihis. Dumiretso muna kami sa isang convenient store para doon uminom. Dahil halos sarado pa ang mga bars dito sa Metro. We bought cans of beer.

Ilang sandali pa ay sumunod naman ang iba pa naming kaibigan na sina Mary at Abby. I feel so free whenever i'm out and with my friends. Nagkkwentuhan lang sila tungkol sa mga na hooked up nilang mga lalaki last night. Ofcourse i was not with them dahil nga maaga akong pumasok sa school para sana magbagong buhay. But i guess, i should try my luck next time.

"Alam mo ba Miks, sobrang liit ng putotoy ng hayop na yun. Ang laki laki ng katawan pero parang sitaw ang liit ng kanya!" Abby frustratedly said. May action pa talaga ang pagkakakwento niya. Natatawa akong nilagok ang alak ko.

"Eh sabi ko naman kasi sayo, kapain mo muna." Nagtawanan kami sa sinabi ko. And then suddenly, King's face materialized inside my head. What the f?! Bakit naman bigla bigla na lang siyang pumapasok sa utak ko ng ganito? Dahil ba puros kalibugan lang ang pinag uusapan namin magkakaibigan kaya ganun? I shrugged that thought away.

"I texted you last night, hindi ka na nagreply. Edi sana nakita mo yung muntikan na makaaway ni Sarah kagabi." Sabi ni Abby sa akin.

Halos maibuga naman ni Sarah ang iniinom niya. Nagtawanan kami. "Hoy! Kung hindi lang ako matino, pinatulan ko na yun." Aniya. Napapailing na lang ako.

A Match Made in BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon