Copyright © AMYUZMAN
(Amy de Guzman)
All rights reserved
2016KABANATA 3
George's POV:
Kaunting hakbang na lang at malapit na 'ko sa bahay namin. Nakuwi na kaya si Stacy? 'Yan ang tanong na kanina ko pa iniisip.
Biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Kukunin ko na sana ito nang mapansin kong nandito pala ang marker ni Stacy. Tiningnan ko yung relo ko.
Wala pa namang alas otso. Isasauli ko muna ito sa kanya.
At naglakad na nga ako papunta sa bahay nina Stacy. Alam ko kung saan ang bahay nila... noon pa. Kaso lagi lang siyang tulala sa may bintana ng ikalawang palapag nila. Mukhang ang bigat bigat ng dinadala niyang problema. Ano kaya iyon?
At binilis-bilisan ko pa ang paglalakad.
---
Stacy's POV
"M-mama?"
Dali-dali akong naglakad papalapit sa kaniya upang yakapin siya. Sabik na sabik na 'ko sa 'yo, Ma.
Yayakapin ko na sana siya nang...
PAK!
Isang malutong na sampal ang natanggap ng kaliwang pisngi ko. Anong problema?
"ANG LANDI LANDI MONG BATA KA! GABING-GABI NA, DI KA PA UMUUWI! LAGI KA RAW GANYAN, SABI NG DADDY MO! ANO BANG NANGYAYARI SA'YO HA?!"
Napaupo na lang ako sa harap niya. Pilit pinoproseso kung ano'ng nangyayari. Tila nagbabadya na naman ang pagtulo ng luha ko habang hawak ang parte ng nasampal kong pisngi. Ma, bakit?
Naging malinaw lang ang lahat sa akin nang makita ko si papa, ayun, ngingiti-ngiti lang. Hayop talaga siya!
Nilingon kong muli si Mama na sobra pa rin ang galit sa'kin.
"Ma..., nagkakamali ka," sambit ko sa pagitan ng pag-iyak. Nilakihan lang niya 'ko ng mata at dinuro.
"Paano mo maipapaliwanag ito sa'kin, ABER?! Sige nga, Stacy! Sige nga!"
"May ginawa po kaming project!" Napalingon ako sa likod kung saan nanggaling yung boses.
George?
Ano'ng ginagawa mo rito?
---
George's POV
Alam kong mali ang manghimasok sa alitan nilang mag-ina... pero ang sakit sakit sa loob ko, e. Lalo na nang nakita kong umiiyak si Stacy.
"At SINO KA NAMAN, HA?!" Bulyaw ng mama niya sa'kin.
"Ako ho ang isa sa mga kaibigan niya, at KASAMA niyang GUMAWA ng ACTIVITY kanina. Kaya't huwag niyo naman po siyang pagsalitaan nang masama," pagpapaliwanag ko sa mama niya.
"Kung ano man ang gusto kong gawin sa anak ko, WALA KA NA RO'N! Kaya pwede ka nang umalis! LAYAS!"
"Sige na, George... umalis ka na. Magiging ayos din ako," sabi ni Stacy habang nakayuko.
Labag man sa aking kalooban na iwan siya sa ganoong kalagayan, pero siya na rin ang nagsabi at nakiusap, kaya umalis na lang ako. Pero hindi ibig sabihin non ay pababayaan ko na lang siya. Tutulungan kita, Stacy... pangako 'yan.
Muli kong nilingon ang kaawa-awa niyang kalagayan.
---
"Siguro, isa 'yun sa mga nilalandi mo, 'no?"
"Ma, hindi totoo 'yan!"
"TUMIGIL KA!" Muli niya 'kong pinandilatan at dinuro. "E, kung sarili mo ngang ama, nagawa mong landiin, ibang lalaki pa kaya? NAPAKALANDI MO STACY!" sigaw pa rin niya sa'kin. Ayoko nang magpaliwanag pa, di rin naman niya paniniwalaan.
"Hon, tama na. Nagkamali lang ang anak natin kaya't 'wag na natin siyang pagalitan," sabi ng demonyo kong ama habang hinahagod hagod pa ang likuran ni mama. Napaka-MANLOLOKO talaga!
"SIGE NA! LUMAYAS KA NA RITO SA HARAP KO!Baka mapatay pa kita."
"Hon... di ba nga sabi ko sa'yo, tama na." Tss. Hayop ka talaga!
Tuluyan na kong umakyat at dumiretso sa kwarto. Dun ko na lang ibubuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Dumiretso ako sa kama at kinuha ang mga unan ko at pinaghahampas ito sa litrato naming buong pamilya.
Humagulgol ako nang paglakas lakas. Ano bang ginawa ko? Bakit ako pinahihirapan nang ganito? Sa pagkakaalam ko'y wala naman akong inagrabyadong tao. Gusto ko lang namang maging masaya at... magkaroon ng buong pamilya.
Sobrang sakit sa pakiramdam. Ang taong inaakala kong aahon sa'kin sa impyernong ito... ay siya pa palang magdidikdik sa akin sa kailaliman nito.
Unti-unti akong nasusunog... unti-unting nadudurog ang puso ko.
Hawak ko ngayon ang isang kahon na puno ng liham-- liham para kay mama. Binasa ko ang isa sa mga laman nito at mas lalo lang sumikip ang dibdib ko.
Dear Mommy,
Mommy, alam mo, miss na miss na kita. Sana, dumating ka na. Sana, kunin mo na 'ko rito. Di ko na po kasi kaya ang mga ginagawa ni papa sakin. Pero alam mo, Ma? Nilalakasan ko pa rin nang husto ang loob ko, kasi alam kong babalikan mo ako.
I love you, Ma.Wala pa ring tigil ang pagtulo ng luha ko. Pinagpupunit ko ang lahat ng mga sulat. Wala na rin namang kwenta... wala pa rin namang maniniwala.
***
End of Chapter 3
Thank You For Reading!
★VOTES and ⇩COMMENTS
are highly appreciated
-1/25/16
BINABASA MO ANG
Fixed and Broke
RomanceFixed And Broke Abangan ang tatlong iba't ibang kuwento na susubok sa inyong katatagan. *** First Story: The Rape Victim [COMPLETED] *George and Stacy* *** Second Story: Disable to be Able [ON-GOING] *Ford and Sofia* *** Third Story: (Undecided Titl...