Copyright © AMYUZMAN
(Amy de Guzman)
All rights reserved
2016KABANATA 7
Habang pinipilit kong lumabas ng hospital ay lalo lang sumasakit ang isang binti ko. Saan na ba kasi nagpunta si mama? Sabi niya mahal niya 'ko. Bakit bigla-bigla na lang siyang umaalis?
Napapailing ako habang naglalakad. Kailangan kong mahanap si mama. Siya na lang ang nag-iisang pamilya na mayroon ako.
Habang abala ako sa paghahanap kay mama ay hindi ko namalàyan na may sasalubong na pala sa'kin. Natumba tuloy ako at napaupo.
"A-aray!" Daing ko habang hinahawakan ang binti ko.
"Sorry mi-- Stacy?!" Napatingala ako.
"George?!" Tinulungan niya akong makatayo. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Napayuko siya. May mali ba sa tanong ko?
"Ahm... may ibabalita sana ako sa'yo."
"A-ano 'yon?"
"Wag ka sanang mabibigla." Bigla akong kinutuban. "Stacy... ano kasi... ahm..."
"Ano?!" Kunwari'y nagagalit ngunit kinakabahan na talaga 'ko.
"Yung mama mo..." Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko.
"Ano?! Sabihin mo!"
"Wala na siya, Stacy. Wala na siya."
Biglang huminto ang lahat sa paningin ko.
Hindi.
Imposible.
Binawi ko ang kamay ko sa kaniya.
"Hindi totoo 'yan!" Naninikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga. "Kausap ko pa lang siya kanina. Andito lang siya." Nanlalabo na ang paaningin ko dahil sa mga luhang kanina pa nais lumabas.
Tinalikuran ko na siya para hanapin si mama. Nandito lang 'yun e. Nandito lang 'yun alam ko.
Naramdaman kong niyakap ako ni George mula sa likuran.
"Alam kong mahirap." Tuluyan nang nanghina ang tuhod ko.
"Bakit?" Tuluyan na akong napahagulhol. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin. "Bakit pati si mama?"
---
Hindi man lang ako pinabayaan ni George nang gabing iyon. Magdamag niya akong binantayan. Nakapatong ngayon ang kaniyang ulo sa tabi ng aking higaan at mahimbing na natutulog.
Umupo ako't pinagmasdan ang maamo niyang mukha. Napangiti ako na napapaluha dahil natutuwa na naaawa na ako sa kaniya.
Hinawi ko ang kaniyang pino at itim na buhok.
George, napakabuti mong tao. Lagi mo na lang akong dinadamayan. Lagi mo na lang akong tinutulungan. Muntik ka nang mapahamak nang dahil sa'kin pero hindi mo pa rin ako nilulubayan.
At ngayong wala na si mama, hindi ko na alam kung saan pa 'ko pupunta. Ngayong wala na si mama... wala na sigurong dahilan para manatili pa 'ko sa mundong ito.
Muli kong tinitigan si George. Mahimbing pa rin ang kaniyang tulog.
George, sana mapatawad mo 'ko sa gagawin ko.
---
George's POV
Napasarap ang tulog ko ah.
Nang iminulat ko na ang aking mga mata... wala nang Stacy na nakahiga rito.
Nasa'n na iyon? Bakit di man lang nagpaalam.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Baka nag-cr lang. Nagtungo ako sa tapat ng cr at kumatok.
"Stacy, nariyan ka ba?" Walang kumibo. Nasa'n na kaya iyon? Kinakabahan na 'ko.
Muli kong tiningnan ang kaniyang higaan at napansing may kapiraso ng papel sa ibabaw ng kaniyang unan.
Agad ko iyong kinuha at binasa ang nakasulat.
Salamat sa lahat, George. Pero, buo na ang desisyon ko... kailangan ko nang lumayo sa'yo.
Patawad.
-StacyHindi.
Hindi maaari.
Bakit?
***
End of Chapter 7
Thank You For Reading!
★VOTES and ⇩COMMENTS
are highly appreciated++++++++++++++++++++
Author's Note:
Mga 1 week na naman po siguro bago ako maka-update. Sorry.
-2/10/16

BINABASA MO ANG
Fixed and Broke
RomanceFixed And Broke Abangan ang tatlong iba't ibang kuwento na susubok sa inyong katatagan. *** First Story: The Rape Victim [COMPLETED] *George and Stacy* *** Second Story: Disable to be Able [ON-GOING] *Ford and Sofia* *** Third Story: (Undecided Titl...