FAB1: C1

103 3 1
                                    

Copyright © AMYUZMAN
(Amy de Guzman)
All rights reserved
2016

KABANATA 1

"Anak, magtatrabaho lang ang mommy ah. Dito ka lang muna sa daddy mo. Magbehave ka. H'wag kang mag-alala, di ka pababayaan ng daddy," sabi sa'kin ni mommy habang walang tigil sa pagtulo ang luha naming dalawa.

Ito kasi ang unang beses na iiwan ako ni mommy. Hindi ako sanay na wala siya.

"Anak, tahan na. Hon, kunin mo na 'to si Stacy," utos ni mommy habang kinakalas ang pagkakayakap ko sa kanya. Hindi parin ako tumitigil sa kaiiyak.

"Halika na dito, baby. Uuwi rin ang mommy. Madali lang siya don, diba, hon?" wika ni daddy habang hinihiwalay na niya 'ko sa pagkakayakap kay mommy.

"Oo naman, hon. Mami-miss ko kayo pareho ng nag-iisa kong baby." Sabay alay ng isang ngiti-- ngiting may bahid ng lungkot.

"Paalam, baby."
"Paalam..."

---

Iyon na ang huling pag-uusap namin ni mommy.
Hindi na siya nagparamdam simula noon.
Kung nasaan man siya, di ko na alam.

lang taon na rin pala ang nakararaan. Matagal na rin pala.

Napapansin ko na rin ang kakaibang ikinikilos ni daddy. Kakaibang kakaiba talaga.

Lagi na lang siyang umuuwi ng lasing-- na hindi naman niya ginagawa noon. Kung anu-ano pang sinasabi na hindi ko naman maintindihan.

Noong isang gabi lamang, kakaibang ka ba talaga ang naramdaman ko. Hanggang ngayon nga'y tumitindig parin ang aking balahibo kapag naaalala ko.

"Putang inang buhay naman 'to ohMag-isa na lang ako rito! Iniwan na 'ko ng asawa ko."

Sigurado akong lasing na naman si daddy. At alam kong papasok na siya ng kaniyang silid sa mga oras na ito.

Lumipas ang ilang minuto ay wala pa rin akong naririnig na pagbukas ng pinto sa kabilang kwarto. Bigla akong kinabahan nang walang dahilan.

Kung anu-anong tumatakbo sa isipan ko. Kabisado ko na kasi ang bawat kilos ni daddy, aalis nang maaga upang makipag-inuman sa barkada at uuwi nang gabi na. Hindi ko nga alam kung may ama pa 'ko e.

"Ay, Mali! Di pa pala ako nag-iisa. Nandito pa pala ang anak koDi ko namalayan, dalaga na pala ang anak ko." Hindi pa rin pala siya pumapasok sa kwarto niya.

Fixed and BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon