Copyright © AMYUZMAN
(Amy de Guzman)
All rights reserved
2016KABANATA 5
Hindi pa man ako nakakalapit sa bahay ay tila may naririnig akong naghihiyawan, o di kaya'y nagsisigawan. Di ako sigurado.
Habang lumalapit ako sa bahay ay unti-unti nang nagiging malinaw ang sigawan sa loob.
"HAYOP KA! Pinaniwalaan pa naman kita, tapos ikaw naman pala itong may kagagawan ng lahat!" Tinig iyon ni mama. "Baboy ka! Baboy ka! Sarili mong anak bina--" Nakarinig ako nang tila ulong nauntog sa pader.
Nagmadali akong pumasok ng bahay at inakyat ang kwarto kung saan nagmumula ang ingay. Nakita ko agad si mama, nakasalampak sa isang sulok habang sapu-sapo ang parte ng kanyang ulo na may bahid ng dugo. Napakagulo ng kwarto, ang daming basag na bote na nagkalat sa sahig.
Umupo sa tapat niya si papa at hinawakan ng mahigpit ang makabila niyang pisngi.
"Kung hindi mo kami iniwan, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Pero salamat na rin dahil naging daan iyon upang makatikim ako ng malinamnam at sariwang putahe." Pagkatapos ay humalakhak ito.
"BALIW KANG HAYOP KA! ISA KANG MALAKING BA--" Halos tumabingi ang mukha ni mama nang muli siyang sapakin ni papa.
Hindi ko na matiis ang mga nangyayari. Nahagip ng mata ko ang isang malaking vase at kinuha ko iyon. Habang nakatalikod si papa ay hinampas ko sa ulo niya ang hawak ko. Natumba naman siya sa ginawa ko. Agad kong nilapitan si mama.
"Ma, umalis na tayo rito."
"Anak, patawarin mo 'ko," umiiyak niyang sabi.
"Shh.. okay lang, ma. Ang mahalaga ay makaalis na tayo rito." Tinulungan ko siyang makabangon at inalalayan dahil paika-ika siya kung maglakad.
At dahil paika-ika siya kung maglakad ay nagging mabagal ang aming pag-usad.
Nasa kalagitnaan na kami ng hagdan nang...
"Sa'n niyo balak na pumunta?" Napalingon kami sa nagsalita, si papa. Mas nakakatakot ang hitsura nito sa ngayon dahil sa dugong umaagos sa pisngi niya. Marahil ay dulot iyon nang pagkakahampas ko sa kanya.
Mas binilisan pa namin ni mama ang pagbaba. Halos madulas na ako dahil sa nerbiyos. Walang lingon likod naming tinungo ang baba ng hagdan sa takot na maabutan.
Sa wakas ay narating na rin namin ang ibaba. Ngunit sa kasamaang palad ay nadapa pa si mama.
"Ma!" Akmang itatayo ko na siya nang may humila ng buhok ko. Ang sakit.
"Estacio, bitawan mo siya! Ako na lang, wag siya!" Pagmamakaawa ni mama.
"Ang ayaw ko sa lahat ay ang pinapagod ako." Mas lalo niyang nilakasan ang pagkakasabunot sa'kin. Pilit akong kumakawala, pero ako lang ang nahihirapan sa ginagawa kong iyon.
Lumapit siya kay mama habang hawak pa rin ang buhok ko. Walang anu-ano'y hinila niya rin ang buhok ni mama gamit ang kabilang kamay niya.
"At dahil sa pagiging pasaway niyo, malalagot kayo sa'kin ngayon!" Biglang niya kaming kinaladkad paakyat ng hagdan. Halos humiwalay na ang buhok ko sa aking anit. Idagdag pa ang pagkakaumpog ng katawan ko sa bawat baitang ng hagdan. Bakit di na lang niya kami patayin para matapos na ang pagdurusang ito?
Nang nasa tapat na kami ng kwarto ay agad na kaming binalibag sa isang sulok. Napangiwi ako nang madaganan ng binti ko iyong mga bubog na nagkalat sa sahig. Halos panawan ako ng ulirat nang makita ko ang pagkabaon ng mga piraso ng boteng iyon sa aking laman.
Rinig na rinig ko ang paghagulgol ni mama sa aking tabi. Agad ako nitong hinawakan sa mukha at niyakap.
"Kasalan ko ang lahat ng ito." Tumulo na rin ang mga luhang kanina pa nagbabadya sa aking mga mata. Dapat pala ay hindi ko na lang hiniling na umuwi si mama. Hindi sana nangyari ang lahat ng ito sa kanya. Ako na lang sana ang naghihirap. "Anak, patawarin mo ako."
"M-ma." Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mga pisngi. "Wala kang kasalanan."
"Masyado kayong madrama!" Lumapit si papa at muling hinila ang buhok ni mama upang mailayo sa akin. Alam kong masakit iyon dahil napangiwi si mama.
"Wala kang kasing sama!"
"Isa ka pa!" Pinatikiman niya ako ng suntok sa mukha. Nang dahil sa lakas non ay halos mabasag ang ulo ko sa pagkakaumpog sa pader. Unti-unti na akong nahihilo, ngunit bago ako mawalan ng malay ay...
nakita ko si George.
---
George's POV
Oo. Pinuntahan ko si Stacy sa bahay nila, pero hindi ko inaasahan ang masasaksihan ko. Punung-puno ng dugo ang uniporme niya at ganoon din ang kanyang ina. Samantalang ang kanyang ama naman ay tila nasisiraan na ng ulo.
Nabato na lang ako rito sa tapat ng pinto nang makita kong sinapak si Stacy ng kanyang ama. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"MAMATAY KA NA! MAMATAY KA NANG HAYOP KA!" Umiiyak na sigaw ng mama ni Stacy habang yakap ang anak niyang nawalan ng malay.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at sumandal sa pader. Dinial ko si mama at hindi naman ako nabigong macontact siya.
"Hello, anak. Bakit napatawag ka?" sabi sa kabilang linya.
"Ma, tulungan mo kami."
"H-ha? Nasaan ka ba?"
"Andito ako ki--" naputol ang sinasabi ko nang may umagaw ng cellphone ko at agad akong sinikmuraan. Napahiga tuloy ako sa sahig nang di oras.
"Sino ka ha?!" Pagtatanong ng papa ni Stacy habang tinatadyakan ako. "At sino yung kausap mo?" Ramdam ko ang pangangamba sa tinig niya... dahilan upang mapangiti ako kahit namimilipit sa sakit.
"Pulis." Lalo siyang nagalit at tinadyakan ulit ako nang pagkalakas lakas. Ngayon ay napapaubo na 'ko ng dugo. "Bakit? Natatakot ka na bang mabulok sa kulungan?" Pang-aasar ko sa kanya.
Tinigilan niya kong tadyakan at tumungo sa isang sulok at napasabunot sa sarili. "Hindi ako makukulong. Hindi ako makukulong. Hindi!" Paulit-ulit niyang iwiniwika.
Bumangon itong muli at sinipa na naman ako habang paulit-ulit na sinasabing hindi siya makukulong. Hindi na kinaya ng katawan ko ang mga sipang natatanggap ko kaya't tuluyan na ring sumuko ang malay tao ko.
***
***
End of Chapter 5
Thank You For Reading!
★VOTES and ⇩COMMENTS
are highly appreciated
BINABASA MO ANG
Fixed and Broke
RomansFixed And Broke Abangan ang tatlong iba't ibang kuwento na susubok sa inyong katatagan. *** First Story: The Rape Victim [COMPLETED] *George and Stacy* *** Second Story: Disable to be Able [ON-GOING] *Ford and Sofia* *** Third Story: (Undecided Titl...