Copyright © AMYUZMAN
(Amy de Guzman)
All rights reserved
2016KABANATA 8
George's POV
"Saan ka na naman pupunta, George!?" Sanay na 'ko kay papa. Lagi naman siyang tutol sa gusto ko. "Hahanapin mo na naman ba ang babaeng iyon!?"
Hindi na lang ako kumibo at dire-diretso nang lumabas ng bahay at hinanap ang bike ko. Ayaw naman niya kong pahiramin ng kotse niya e.
Bago pa man ako tuluyang lumabas ng tarangkahan ay nakita kong napatigil si mama sa pagdidilig ng mga alaga niyang bulakalak. Papunta na ito ngayon sa direksyon ko.
Malungkot ang mga mata niya kahit na nakangiti siya. Alam kong nasasaktan ko na si mama sa mga ginagawa ko.
Nang tuluyan na siyang makalapit ay agad niyang tinapik ang balikat ko.
"Sana'y mahanap mo na siya."
"Salamat, ma. Buti ka pa... naiintindihan ako."
Ginulo-gulo niya ang buhok ko. "Siyempre naman! Ikaw ang junior ko e. O, siya! Hanapin mo na siya at baka abutin ka pa ng ulan."
Napatingala ako. Oo nga, mukhang masama ang panahon ngayon.
"Sige po, ma."
"Mag-iingat ka."
---
Hanggang ngayo'y umaasa pa rin ako na mahahanap ko siya.
Nilibot ko ang lahat ng maaaring libutin.
Nasa'n ka na ba kasi Stacy? Pinag-aalala mo 'ko nang sobra.
---
Makalipas ang walang humpay na paglilibut-libot ay...
...nahanap ko rin siya.
Teka... hindi ito maaari.
Hindi ko kaya!
---
Stacy's POV
Walang direksyon ang patutunguhan ko sa ngayon.
Gabi na at ang ulan ay tila walang balak na tumigil.
Pagod na 'ko.
Pagod na 'kong mabuhay.
Ayoko na.
Naupo na 'ko sa gitna ng kalsada at hinihintay ang sasakyang siyang tatapos ng lahat ng paghihirap ko.
Nakakatawang isipin na tila sinusuwerte ako ngayon. Abot tanaw ko na ang rumaragasang sasakyan na kanina ko pa hinihintay.
Ma, patawarin mo sana 'ko.
George, patawarin mo rin sana 'ko.
Panginoon, patawarin Niyo rin po ako. Hindi ko na pa talaga kaya.
Ipinikit ko na ang aking mga mata at hinintay ang pagsalpok ng rumaragasang sasakyan.
Patawarin niyo akong lahat.
Ngunit...
...hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.
Mabilis akong napatilapon sa gilid ng kalsada.
At...
At...
Si George...
"HINDIIIIIII!!!!!"
Mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan niya.
Hindi ko namalayang kanina pa pala ko sumisigaw nang napakalakas.
Sinikap kong pahigain ang ulo niya sa mga hita ko.
"George... wag mo 'kong iiwan. Parang awa mo na."
Napapaubo na siya ng dugo.
Hindi ko makayanang makita siyang ganito.
"Kasalanan ko ang lahat ng ito. Ahhh!!!"
Binalingan ko ng tingin yung driver ng sasakyan na nakabangga sa kaniya. "IKAW! Ano bang ginagawa mo?! Tumawag ka na ng tulong!"
Naramdaman kong may humawak ng mahigpit sa kamay ko.
"Shhhh.... ma..magi...ging ma..ma..ayos din ang lahat." Kahit nahihirapan siya ay sinikap niya pa ring makapagsalita.
Napaluha na ako nang sobra.
"Hindi! Kasalanan ko 'to e."
"TULONG! TULUNGAN NIYO KAMI! PARANG AWA NIYO NA, TULUNGAN NIYO KAMI!" Tila walang nakakarinig ng mga sigaw ko.
"Hi...hindi na kailangan." Halatang tinitiis na lang niya ang sakit. "Ya...yakapin mo lang ako... ma..ayos na ang lahat." Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga dugo sa bibig niya.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang sundin ang sinabi niyang yakapin ko siya. Patuloy lang ako sa paghikbi.
"A...ayan , ayos na ako."
Humiwalay ako nang kaunti sa kaniya at tiningnan ang mukha niya. Nakangiti na ito ngayon sa akin at alam kong naiiyak na rin siya.
"Salamat, Stacy.... at pinagbigyan mo ang..." napaubo na naman siya. Ramdam kong nanghihina na siya.
"George... 'wag ka nang magsalita. Malapit nang dumating ang tulong."
"Mahal na mahal kita, Stacy..."
Tiningnan niya lang ako nang diretso sa mata.
"...ikaw, ni minsan ba'y..." kinakapos na siya nang hininga. Lalo ko lang hinigpitan ang yakap ko sa kaniya. "...minahal mo rin ako?"
"Oo, George...
...minahal kita."
Kinabahan na ako dahil wala pa ring kumikibo.
Bahagya akong humiwalay ng yakap sa kaniya.
Nakangiti lang siyang nakatingin sa akin.
Bahagyang bumuka ang bibig niya at nagsalita.
"Salamat."
At tuluyan nang sumara ang mga mata niya.
Nataranta ako.
Niyugyog ko siya. "George... George... GEORGE!!!" Hindi pa rin niya minumulat ang mga mata niya.
Dahil doon ay matinding pag-iyak na naman ang pinakawalan ko.
"Sabi mo... sabi mo magiging maayos ka...
...pero Bakit ngayon?"
Lalo lang naninikip ang dibdib ko.
Sakto namang bumagsak na ang ulan.
Habang ako'y wala pa ring tigil sa pagluha.
Wala na...
Hindi ko akalaing sa isang iglap lang ay...
...mawawala na siya.
Ang sakit.
***
***
End of Chapter 8
Thank You For Reading!
★VOTES and ⇩COMMENTS
are highly appreciated

BINABASA MO ANG
Fixed and Broke
RomansaFixed And Broke Abangan ang tatlong iba't ibang kuwento na susubok sa inyong katatagan. *** First Story: The Rape Victim [COMPLETED] *George and Stacy* *** Second Story: Disable to be Able [ON-GOING] *Ford and Sofia* *** Third Story: (Undecided Titl...