Teka lang.. Aray.. Ang sakit talaga ng paa ko. Bakit parang ang bigat?
Hala! Baldado na ba ako? bat parang di ako makakilos??!
"Allena Pia! Hindi ka ba talaga babangon diyan? Ha? tirik na tirik na yung araw oh! May tutorial ka pa ngayon!"
"Op..." Sabay dilat ng isang mata.
o.-
Toink!
"Aray ate! Bat mo naman ako binatukan?"
"Wagas kang maka-Allena Pia ah! Si Mommy ka ba?"
Kainis naman 'tong kapatid kong bunso. Kaya pala sumasakit yung paa ko kasi dinaganan niya. Umph! palibhasa grade five pa lang kaya isip bata pa talaga. At kung manamit naman parang lalaki. Mas lalaki pa nga yata 'to kay kuya eh.
"Ate! Bilisan mo na. Nagagalit na yung sundo mo! Hinihintay ka na daw kasi nung ate niya."
"Ate niya?"
"Oo. Anak ng ate niya yung tuturuan mo eh, diba?."
Kainis naman oh. Bakit kasi umaga eh. 8am? Eh 7am ako madalas nagigising at ang bagal ko pa naman kumilos. Ngarag na naman ako. Mukhang halimaw pa naman yung sundo ko. Laging nakasimangot. Akala mo eh mangangain ng tao. Hmf!
Binilisan ko naman maligo. Nagbihis ng walang pili pili kung bagay ba yung skirt sa blouse ko. Buti na lang masipag tong si Katie at ipinaghanda ako ng sandwich.
"Bhe pakisabi na lang kay kuya na na umalis na 'ko ha. Bye!"
"Ingat ate!"
Paglabas ko ng pinto bumungad agad yung kapreng sundo ko. Kinakabahan talaga ako lagi sa halimaw na 'to eh.
"Bat ang tagal mo? Nakakangawit kaya dito!"
"Eh di sana pumasok ka sa loob."
"Ayoko eh. Bat pa kasi kailangang sunduin kita eh!"
"Sinabi ko bang sunduin mo 'ko?"
"Sinabi ni ate eh."
"Yun naman pala eh. Pero sana si Carlo na lang yung sumundo sakin. Tsaka di ko naman kailangang magpasundo kung alam ko lang papunta sa bahay ng ate mo!"
"Ok! Just shut up!"
"Bakit? Ikaw naman nag-umpisa ah?!"
Tiningnan niya lang ako ng masama. Di ko talaga napigilan yung sarili ko eh! Kaso mukhang manununtok na eh. Tama na nga.
Malayo-layo na rin naman ang nalakad namin. Walking distance lang naman daw yung bahay ng ate niya. Yung bahay nina Gian kasi 5 houses lang mula samin. Sa kabilang direksyon naman yung bahay ng ate niya, I guess. Kasi yun yung dinadaan namin ngayon eh.
Kung saan-saang sulok na kami lumiko, yung akala ko malapit eh parang napakalayo na ata. Ganito ba kalaki 'tong subdivision na 'to? Pudpod na nga ata yung tsinelas ko eh. Yung isa naman na kanina pa tahimik eh bigla bigla na lang nagsasalita.
"Championship ngayon ah. Di ka pupunta?"
"Alam kong championship ngayon, pero mamaya pa namang 2pm yung laro. Excited lang?"
"Ok! Akala ko di ka sasali? Ang ganda nung 4th and 5th game, wag mo ng sirain yung record. Baka pag nandun ka, di magchampion ang Stanley Smashers."
Aba naman talaga oh! Napakayabang! Hindi naman ako sasali eh! Manonood lang ako! Pati ba yun bawal?! Naku kung di lang matangkad 'to eh kanina ko pa 'to nabatukan!
"Di ako maglalaro kung yun ang kinakatakot mo! Hmf! Gusto mo ikaw na lang? Pahiram ko sayo uniform ko!"
"Wag na, di yun kakasya sakin. Masyadong maliit."
Naku naku. Pigilan niyo po ako.