Chapter 5

41 1 1
                                    

AN:

Sorry ngayon lang nakapag-update!! Test week namin eh! Jusko, kung nakita niyo lang! Puro essays! Pati Math di pinalagpas -_- tska nasira kasi internet namin eh. HAHAHA! O eto na :P

---------------------------------------------

Seryoso, bakit di namin siya kilala ni Annie?

Naalala ko pa nung unang kita namin ni Nzo....

Habang nasa swing ako sa may park samin, I was crying. Why? Because the Co-Twins left me.

Nagwowork kasi si Tita sa Australia kasama si Tito kaya pinasama si Hap. Naiwan nun si Annie at sa lola nila tumira. Sa may Quezon City pa yun.

Kami yung magbebestfriend talaga eh. Simula bata palang naman kasi diba? Tapos close friend pa sila Mommy at Dad kila Tito at Tita. Grade 5 kami nun eh.

Habang umiiyak ako, may naririnig akong footsteps na papunta sakin. I don't even bother to look. Gusto kong tumingin nun kasi pag umiiyak ako, si Hap lagi ang magpapatahan sakin okaya si Annie, kaso ayoko naman umasa kasi ineexpect ko na either si Hap or Annie yun.

"Ate, bakit ka umiiyak?" tanong sakin ng isang batang mukhang kasing age ko lang.

"Ate?" tawag niya sakin. Bakit ba ayaw umalis nito? :(

"Ate, gusto mo?" Napatingin ako sa sinabi niya. He was holding a pack of cookies na bukas na.

Nag-nod na lang ako as an answer. Tapos inabot niya sakin yung cookies.

Pagkaabot niya sakin ng cookies, umupo siya sa tabi ko.

Medyo nawala na yung lungkot ko nun kasi atleast may kasama na ko. Pero syempre, hindi parin mawawala. Iniwan ka ng mga bestfriends mo eh.

"Ate, bakit ka ba umiiyak kanina?" Napatingin ako sakanya, he was smiling from ear to ear. May braces pa siya nun.. Ang ganda ng mata niya, malaki. Malalaki rin naman mata ko eh, for a Korean.

"Iniwan kasi ako ng bestfriend ko eh" Sabi ko sakanya. Halos mangiyak-ngiyak nanaman ako habang sinasabi yun.

Inabutan niya ko ng panyo. Tamang tama. Kulay pink. Favorite color ko yun eh :)

"Hala? Edi tayo nalang!" Nanlaki mata ko sa sinabi niya? Nakasmile parin siya. Masayahin talaga tong tao na to eh no?

"Huh?"

"Hi! I'm Naethan Zo Sniegowski. 14 years old. Half Canadian-Half Filipino. Hmm. Ano pa ba? Ah! You can call me Nath or kahit ano na gusto mo. I like playing soccer and table tennis." sabay lahad ng kamay niya para makipagshake hands sakin. Nakatayo na siya sa harap ko niyan ah!

"I'm Yumi Ann Smith. 13 years old. Half Korean-Half Filipino. My nickname is Yas. My birthday is on February 7 and my favorite color is pink! :)" sabay hawak ng kamay niya para makipagshake hands. Nagtataka kayo kung bakit Yumi pero korean ako? Wala lang. Natuwa kasi yung pinsan ko sa pangalan na Yumi dahil sa isang singer ng flip music :) yung laging kaduet ni Thyro. Search niyo :)

Kung nandito lang sila Annie, edi marami na sana kami. Namimiss ko tuloy sila.

Pagtapos nun, halos araw araw na kaming magkakwentuhan at magkasama. Kung saan saan na nga kami nakarating eh. Magkapitbahay lang kami. Siguro mga 2 streets away lang.

Tapos nung sa birthday ko, binigyan niya ko ng isang malaking teddy bear! Yung life size! Andun sa kwarto ko, katabi ng kama ko.

Nzo na rin yung tawag ko sakanya. Wala lang. Ang cute kasi eh. Hahaha! Medyo bitin kasi pag Nath lang tawag ko sakanya. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VulnerableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon