[Emily’s POV]
Nasa kwarto na ako at nag iisip isip ng kung ano ano. Naalal ko iyong movie na pinanood namin kanina. Ewan ko ba bakit kinikilig pa rin ako pag naalala iyon? Siguro ganun nga kasarap ang ma inlove. Dahil sa hindi pa ako inaantok, kinuha ko ang acoustic guitar para tumogtog muna.
*STRUMMING*
Lalalala lala lala la
Lalalala lala la la
Saan ka kaya naroroon?
Sa panaginip lang ba tau magkatagpo
Darating rin ang panahon
Kung panaginip ay magiging totoo
CHORUS:
Kailan kaya kita makikilala
Kailan kaya makakapiling inip na inip na ako
Sa pagdating ng pag ibig mo
Nandirito lang ako naghihintay
Lalalala lala la la
After ko tumogtog napahiga agad ako sa kama katabi ang guitar ko. Napabuntong hininga tuloy ako.
“Hay kailan kaya kita makikilala, Mr. Right?”- Emily.
***
“Emily anak” Tawag sa’kin ni mama. Ala’s otso na ng gabi ngayon at nasa sala kami.
“Bakit po?” Emily.
“Hali ka upo ka dito sa tabi ko aking munting dalaga” malambing na sabi ni mama. Lumapit naman ako sa kanya.
“Mama talaga, nandiyan na po”- Emily. Nandito kami ngayon sa sala at naka upo sa sofa.
“Emily anak,hay naalala ko dati kinakarga pa kita pero ngayon hindi na pwede kase eighteen na ang anak ko at dalaga na” hindi ko maintindihan si mama kung bakit kailangan niya sabihin ito. Medyo may kakaiba akong nararamdaman.
“Ma may gusto ka bang sabihin sa’kin?” pag aalalang tanong nito sa ina. Ngumiti lamang ito at hindi umimik, tumayo lamang ito at umakyak sa kwarto. Ang mga mata ko ay nakasunod lamang sa kinikilos ni Mama. After ilang minute bumaba din ito at may dala dalang isang sobre. Iniabot niya ito sa’kin na parang nag aalinlangan pa.
“Para sa’kin po ito?’ Pagtataka tanong ko.
“Oo anak para sa’yo iyan, pinabibigay ng lolo mo bago siya namatay” Pagpapaliwanang nito. Nang madinig ko na galing kay Lolo bigla na lamang ako nakaramdam ng kaba.
“Ha? Para sa’kin po talaga iyan at galing pa kay lolo?” Hindi pa rin ako makapaniwala na meron sulat si lolo sa akin pero masama na nag kutob ko dito.
“Oo, anak para sa’yo talaga iyan sige anak matulog ka na at may pasok ka pa bukas, first day of school dapat maganda ka” –Mama. Hinalikan muna ako sa noo ni Mama at tsaka muli bumalik sa kwarto nito. Naiwan ako sa sala na nanatili nakatitig sa letter na iniwan ni lola. Maya maya pa ay dali dali ako tumakbo ng kwarto.
Nakahiga na ako sa kama, simula kanina hanggang ngayon hindi ko pa rin inaalis ang paningin sa sobre hawak hawak ko lalo na ang nakasulat sa likod nito.
“To: Ms. Emily Jhane Sandoval” Mapapanisn mong lumang luma na talaga ang sobre. Kinapa ko ito at parang may kung anong bakal na nakalagay dito.
“Hmmm ano kaya ito? Necklace? Singsing?” napakamot ako sa ulo kase bakit kailangan ko pa manghula eh pwede ko na naman buksan na ito. Medyo kinakabahan pa ako habang binubuksan ito. Ano kaya ang nasa loob nito? Nang mabuksan ko ito tumambad sa’kin ang isang.
“Susi?” Napakunot ang nook o. Tinignan ko pa ito ng maigi. Teka, aanhin ko naman ang susi? Lolo talaga oh.Ano na naman kalokohan ito? Ilang minute ang lumipas ay isip ako ng isip kung para saan ang susi na’to ngbigla maalala ko ang isang bagay.
“Susi ng kayamanan?” – Emily. Pero parang impossible, kase kung susi ng kayamanan ito dapat may mapa. Nag isip ulet ako. Kung titignan ang susi parang isa siyang susi ng kwarto. Lumarawan sa isipan ko ang lumang kwarto na nakasarado doon sa itaas.
“Hindi kaya...hindi kaya...susi ito ng kwarto ni lolo”- Emily
Simula kase noong namatay ang lolo hindi na nabuksan ang kwarto nito dahil naka lock ito. Siguro mga sampung taon gulang ako noong namahinga na si lolo. Dali dali naman akong tumayo sa kama at pumunta ng third floor para masigurado na tama ang hinala ko. Ang bahay kase namin hanggang 4th floor. Sa first floor doon ang sala at Dining area. Second floor naman ang master bedroom at ang kwarto ko at ni kuya Ian. Sa third floor naman ay ang kwarto ng Lolo niya at Office room ng parents ko. Sa fourthfloor ay ang sampayan ng mga damit.
Dahan dahan akong umakyat papuntang thirdfloor at dahan dahan din akong lumapit sa kwarto ni lolo. Nung nasa tapat na ako ng pinto, dahan dahan kung kinuha ang susi at itinapat sa door knob.
“Nabuksan?” mas lalo lumakas ang tibok ng puso ko nung ma confirm kong ito nga ang susi ng kwarto ni lolo. Nang mabuksan ko ito, humangin ng malakas pero hindi ako natatakot dahil gusto ko malaman kung bakit sa akin ibinigay ni lolo ang susi ng kwarto niya.
“Bakit sa’kin? Bakit lolo? “ nagugulohan tanong ko sa sarili. Tuluyan na akong nakapasok sa loob at hinanap ang switch ng ilaw . Nang nahanap ko ito agad kong in-on. Nagulat ako ng makita ko ang loob ng kwarto. Wala masyadong gamit bukod sa higaan at lamesa na malapit sa bintana. Puno na ng spider web at may mga naninirahan na pala dito, Ipis at daga at sobrang ma alokabok. Inikot ko ang buong kwarto. Nagulat ako ng makita ang picture frame sa table.
“Kaming dalawa ng lolo at bata pa siya noon hindi lang iyon sa tabi ng picture frame may isang kahoy na box at naka lock ito. Sa ibabaw ng box ay may apat na sobre. Kinuha ko ang apat na sobre. Pinagpag ko muna ito dahil sobrang ma alikabok. Tinignan ko na ang apat na sobre. Meron itong mga numero.
“Number One
To:
MS. EMILY JHANE SANDOVAL" para sa’kin din ito?Tinignan ko rin ang tatlong natitira at napag alaman ko na para sa akin din iyon ang pinagka iba lang ay may mga number ito one to four.Dahan dahan kong binuksan ang unang sobre na may nakalagay na NUMBER ONE .Nagulat ako noon Makita at mabasa ang nilalaman.
BINABASA MO ANG
Meet My Fiance [Fin]
HumorThis is the story of a beautiful woman who change herself, from being Dyosa turned to being Ugly Duckling. Baket niya ginawa ito?Dahil sa isang kasunduan na kelangan niya matali sa isa lalaki na hindi niya pa nakikilala. Ang ayaw niya sa lahat ay pi...