Chapter 57 "Punch"

4.9K 62 7
                                    

_Emily's POV_

Gusto ko siyang habolin pero wala na akong lakas para habolin pa siya. Hinang hina ako ngayon, di ako makapaniwala na kaya niya akong isuko at ipamigay sa kapatid niya. Ang sakit! Kung umasta siya parang hindi niya ako minahal. Patuloy pa rin sa pag agos ang mga luha ko at nandito pa rin ako sa garden nakaupo habang hinahayaan umiyak ng umiyak hanggang sa wala ng lumabas na luha s amga mata ko.

"Jhane?" may tumatawag sa pangalan ko pero wala akong paki, kilala ko kung sino ang taong iyon. Unti unti ko naririnig ang mga yabag ng mga paa niya na papalapit sa kinaroroonan ko.

"Jhane, what happen? Bakit nandito ka pa? Nasaan si Carl?" Sunod sunod na tanong nito. Hindi ako makapagsalita, ayaw kong magsalita dahil wala rin naman lalabas na boses sa'kin, iiyak lang ako lalo. Naramdaman ko na may tela bumalot sa katawan ko. Nakita ko ang coat niya, na isinuot sa'kin.

"Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo,pero alam ko na hindi pa ito ang tamang panahon para magtanong ako" -Shen. Ngayon gusto kong tanongin ang sarili ko, bakit nga ba hindi nalang si Shen ang minahal ko? Nang sa ganun hindi na ako mahihirapan ng ganito? Pero habang iniisip ko 'to gusto kong iuntog ang sarili ko sa pader.

Paano ko naiisip ang mga ganung bagay? Wala akong pinag sisihan na si Carl ang minahal ko. Alam ko na may rason siya kong bakit niya 'to ginagawa at iyon ang gusto kong malaman.

Mahal na mahal kita ,Carl pero ang sakit lang talagang isipin na sinusuko mo na ko huhu.

Naramdaman ko na dahan dahan akong inalalayan ni Shen na tumayo.

"Ihahatid na kita sa inyo" Hindi na ako sumagot. Inalalayan niya lang ako hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Binuksan niya ang pinto at tsaka ako dahan dahan inupo at nilagyan ng seatbelt. Narinig ko pa siyang nagbuntong hininga habang nakatitig sa'kin. 

Pumasok na rin siya sa kotse, ramdam ko pa rin na nakatitg lang siya sa'kin pero wala akong pakialam. Siguro sanay na rin ako na lagi naman siya nandiyan sa ganitong sitwasyon.

Napamura siya, narinig ko sabay hampas sa manobela. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya at patuloy pa rin ako sa pasimpleng pagpunas ng mga luha ko. Nagsimula na siyang magdrive, hindi gaanong mabilis, tama lang ang pagmamaneho nito. Hindi na rin niya akong sinubukan tanongin o kausapin. Buti naman dahil sa ngayon gusto ko muna e-alis sa isip ko lahat ng nangyari, pero ang hirap.

Hanggang sa huminto na siya, di ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay ko. Dali dali naman akong bumaba at puamsok pero hinawakn niya ang kamay ko, pinigilan niya akong pumasok sa loob.

"Jhane" nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan din siya sa nangyayari. Hindi ako galit kay Shen, hindi hindi ako magagalit sa kanya, kong magagalit man ako o magtatampo iyon ay sa kasunduan.

Hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap. Hindi ako nagpumiglas, ayaw kong magpumiglas, wala din akong lakas para gawin iyon dahil ngayon hindi ko namamalyan na unti nunti na pala akong napapa iyak hanggang sa mapahagulgul habang yakap yakap siya. Dahil sa yakap na iyon, halos mabuhos ko lahat ng sakit na kanina ko pa narramdaman,

Ang sakit na ibinigay ni Carl

Hindi siya nagsasalita, mas lalong humigpit ang yakap niya sa'kin at ng dahil doon mas lalo ako napahagulgul s pag iyak.

Maya maya pa ako na rin ang kumawala sa yakap niya. Hindi ko siya kayang tignan, hindi ko kayang ipakita sa kanya ang mukha ko, ang mukha na kong saan bakas ang sakit na ibinigay ng kapatid nito sa'kin.

"Thank you" -Emily. Pumasok na ako sa loob at hindi ko na sinubokan lingonin pa siya. Bago ako komatok s apinto, sinubokan konng ayosin muna nag sarili ko. Pinunasan ko muna nag mga luha ko at tsaka inayos ang buhok at damit ng sa ganon  hindi nila malaman ang nangyari sa'kin at hindi nila ako batohin ng mga tanong.

Meet My Fiance [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon