Chapter 36 "Nightmare"

6K 87 6
                                    

_Carl’s POV_

“CAAARRLLL TULONG!” Sigaw ni Cirk sa’kin.

“CCCIIRRK ANDIYAN NA KO” Sigaw ko. Agad ako lumusong sa dagat. Nakalapit na ako sa kanya.

“Hawakan mo siya, kaya ko ang sarili ko” Sabi ni Cirk sa’kin at kinuha ko ang batang babae na tinulungan namin ni Cirk na nalulunod kanina. Nadala ko siya sa pampang.

“Hey wake up, wake up” Di ko alam ang gagawin ko. Nang tinignan ko siya hindi na siya humihinga.

“Wake up!!!” Sigaw ko at sinampal sampal ko ang mukha niya. Buti nalang dumating na ang hiningan naming ng tulong at agad siya CNPR. Nakaligtas na siya at dumating na rin si Lola

“Carl, what happened? Wha-what are you doing here? Di ba’t sinabi ko na huwag ka pupunta dito? “ sunod sunod na tanong ni Lola at ako nakayuko lang  “Nasaan ang kakambal mo?” bigla ako natauhan.

“Nasaan si Cirk?” Tanong ulit ni Lola. Agad ako tumingin sa dagat.

“CIRK!!!” Sigaw ko, lulusong pa sana ako sa dagat ng pinigilan ako ng mga lifeguard.

“Bitiwan niyo ‘ko, andun ang kapatid ko” Turo ko sa dagat. Pero hindi nila ako binitawan.

“HUWAAAAHHH CIIIIRRRKKK!!!”

Kring...Krinngggg..Krinnggg

“CIIIRRKKK!” Bigla ako nagising. Nagpalinga linga sa buong kwarto. Tsaka lang ako natauhan na panaginip lang pala ang lahat.  Napanaginipan ko na naman? Pinagpapawisan ako at ang lakas ng tibok ng puso ko. Ngayon na lang ulit ako dinalaw ng bangungut na iyun. Bumaba ako sa kama at pumunta sa kitchen at uminom ng tubig.

“Bakit bumalik ka na naman ulit?” Napabuntong hininga ako at di na ako nakatulog.

_Emily’s POV_

“Natapus na rin ako sa wakas” tapus ko na ang painting ko yahoo. Pwede na akong magpahinga. Biglang na ring ang celphone ko, sino naman ang tatawag sa ganitong oras? Ang aga pa ah. Tinignan ko ang phone

..Carl’s Calling....

Ui si Halim gising na sa ganitong oras? Tinignan ko ang wallclock, 5:30 am, an gaga naman niya mag disturb huhu ngayon palang ako makaktulog eh.

“Hello?” Sagut ko

“Good Morning Girlfriend” Ayan na naman siya sa tawag niya sa’kin =_=

“Halim, bakit ang aga mo atang magdisturbo ngayon ha?” Sabi ko sa kanya.

“Ah ehmm nadisturbo pala kita? So-sorry naman” Hmmm bakit may kakaiba sa tuno ni Carl, parang ang lungkot niya tsaka bakit hindi siya sumisigaw ngayon? May problema nga tsk tsk

“Carl, okay ka lang”

“Ang totoo niyan, I’m not ok” Narinig ko na nagpabuntong hininga siya.

“Bakit naman?”

“Ka- kasi”

“Kasi?”

“Hindi ko nakita ang pangit mong pagmumukha eh Hahaha” Halus mabingi ako sa tawa niya sa kabilang line.

“Ah ganun? Sige eh baba ko na ‘to” Panakut ko sa kanya.

“Ui huwag naman, Ah ehmm punta ka sa labas ng bahay mo, Jogging tayo”

“Nasa labas ka nga-“ Agad na niya binaba ang phone, wala talagang manner to kahit kalian. Pero seryuso na nasa labas siya ng bahay namin? Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang isang lalake na nakasandal sa pader ng gate namin.

Meet My Fiance [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon