Shen’s POV]
Dahan dahan ako pumunta sa kwarto. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni papa. Ang buong akala ko naka move on na si papa iyon pala sobrang nahihirapan na siya. Hindi ko maiwasan na makaramdam muli ng sakit sa dibdib.
Kinabukasan pagbaba ko galing sa kwarto nakita ko si papa iniinom ang mainit nitong gawang chocolate.
“Good Morning son” bati nito sa’kin. Pero makikita ang bakas na kalungkutan sa mga mata nito.
“Good morning din pa”- Shen at sabay sabay kami kumain na ng breakfast
“Ah anak” pagtawag nito sa’kin.
“po?” – Shen.
“Sorry, alam ko na ang bahay na ito ay puno ng magagandang memories na kasama ang nanay niyo. Pero sa tingin ko, kailangan muna natin umalis para maka move on na ang lahat. Naiintindihan mo ba ako.”-Papa. Napabuntong hininga ako lalo na nakikita k okay papa kung gaano siya nahihirapan na umalis sa bahay na’to.
“Pa, huwag na po kayo mag alala pumapayag na ako at kami”- Shen. Bigla nagliwanag ang mukha ni papa at nakita kong napangiti ito
“Talaga anak, salamat”- Papa
***
Wala na ako oras dahil ilang lingo nalang maari na kaming umalis. Kailangan ko ng mag confess kay Jhane bago mahuli ang lahat.
Nang araw na iyon, sasabihin ko na sana kay Jhane ang lahat pero hindi ko nasabi dahil na unahan ako ng katorpehan. Umatake na naman ang sakit ko.
Natapos na lang ang mga araw pero hindi ko pa rin nasasabi. Hanggang sa umabot ang last day of school namin. Pero hindi ko talaga kayang sabihin sa kanya. Naisip ko nalang na, mukhang kailangan ko pang mag ipon ng lakas ng loob para masabi din sa kanya balang araw.
Iyon nga nag nangyari, hindi ako nakapagtapat kay Jhane hanggang sa makalipat kami ng lugar bandnag Nueva Ecija dahil doon magtratrabaho si papa.
Sa tingin ko hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin sa kanya. Pero sisiguraduhin ko na pagdating ng tamang panahon na iyon a-aminin ko na sa kanya at babalik ako ng manila para hanapin siya.
*After Five Years*
_HALE UNIVERSITY_
Napangiti ako ng makita ang university na kung saan siya mag aaral. Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Makikita na rin kita sa wakas MS. JHANE SANDOVAL. Ang saya saya ko, Ang tagal kong hinintay ang araw na ito. This time hindi na ako magiging torpe, malakas na ang loob ko.
Pagpasok ko sa gate, sa sobrang saya ko at pananabik na makita siya ulit, tumakbo ako at di ko namalayan na meron ako nabangga, isnag babae.
“Aray, huhu saket” sabi ng babae, nakita ko siyang napa upo sa sahig. Inalalayan ko siya agad.
“Miss I’m sorry hindi ko sinasadya, I’m really really sorry” tinulungan ko siyang makatayo. Inalalayan ko ang babae, pero nakayuko ito at parang may hinahanap at hindi ko alam kung ano iyon. Basta alam ko lang ang weird niya sa pananamit at itsura, natatawa tuloy ako na naaawa, di ko makita itsura niya dahil nakayuko siya.
“Miss may problema?” Tanong ko dito.
“Wala, teka lang” Nagulat ako ng nagsalta siya, parang galit.
“May nawawala ba sayo?” –Shen. Tinitignan ko rin iyong mga tinitignan niya sa sahig.
“Oo, meron” Hmmm ano kaya ioun? tumingin na rin ako sa sahig at ang nakita ko ay eye glasses, pinulot ko ito, teka ito kaya ang hinahanap niya?
“Miss ito ba ang hinahanap mo?” tanong ko dito. Napatingin siya sa akin at tinitigan ako kaya napatitig din ako sa kanya pero nagulat bigla ako sa naramdaman ko. Bakit bigla akong kinabahan, sobrang lakas ng tibok ng puso ko,Bakit? Hindi ko maintindihan pero bigla nalang kumilos ang mga paa ko at dali daling naglakad papalayo sa kanya. Ano nangyayari sa akin. Napahinto ako s apaglalakad ng tawagin niya ako
“Teka ang eyeglasses ko!” sigaw ng babae. Napatingin ako sa hawak ko, na sa akin pa pala ang salamin niya. Kaya dali dali akong bumalik sa kanya para ibigay ang eye glasses at bigla na rin akong tumakbo papalayo sa kanya.Hindi ko alam kung bakit ganito ang inaasta ko.
Nang mapansin ko na malayo na ako sa kanya tsaka ako huminto sa pagtakbo at patuloy na naghahabol ng hininga. Nagtataka pa rin ako bakit ganon ang nagging reaction ko. Tinignan ko na lamang ang relo ko at napansin ko na malapit na nag class ko. First subject ko Humanities,room 208.
“Saan kaya ito banda?” Tumingin ako sa mga buildings at ng makita ko ang building kung saan ang roon ko ay agad ako nagtungo roon.
Business Administration ang kinuha ko, kasi may kinalaman sa business. Pangarap ko kasi magtayo ng sariling business pag graduate ko, Bale, gusto ko maging Business Man.
BINABASA MO ANG
Meet My Fiance [Fin]
HumorThis is the story of a beautiful woman who change herself, from being Dyosa turned to being Ugly Duckling. Baket niya ginawa ito?Dahil sa isang kasunduan na kelangan niya matali sa isa lalaki na hindi niya pa nakikilala. Ang ayaw niya sa lahat ay pi...