Chapter 61 "Tell me"

5.1K 64 3
                                    

 Hi sis salamat sa pag aantay ng chapter na'to para madedicate ko sayo hehe. Sorry natagalan ang update. Sorry din mga readers, sadyang naging busy lang.

_Emily's POV_

Nasa garden kami ng Innovero Mansion kasama ko si Shen. Three days na rin ang nakalipas simula ng e-announce na ikakasal na kami. Nakaupo kami sa isnag bench dito habang tinitignan ang mga bituin. Bigla ako nakaramdam ng lamig, medyo mahamog na rin sa labas. Mamaya lang naramdaman ko na parang may kung anong bumalot sa katawan ko.

"Alam kong nilalamig ka na Jhane"  binalot niya sa likod ko ang coat niya.

"Thank you, Shen" ngumiti lang siya at tsaka  umupo ulit sa tabi ko. Mahabang katahimikan ang bumalot sa pagitan namin. Napansin ko kasing kanina pa siya tahimik at kung hindi pa ako nakaramdam ng lamig baka hindi niya ako kausapin.

"Mahal mo ba ako, Jhane?" Bigla ako napatingin ng diretso kay Shen. Nanlaki ang mga mata ko sa tinanong niya. T-teka? B-bakit kailangan kung magulat sa tanong niya? Eh alam ko naman na mahal ko siya.

"I know the answer" bigla ako na konsinsiya.

"O-oo naman M-mahal kita!" Bakit parang may pag aalinlanga ang tono ko? Argh ano ba 'tong nangyayari sa'kin?

"Thank you sa pagmamahal, Jhane" Nagulat ako ng hawakan niya ang pisngi ko at hinaplos ito.

"Malapit ka ng maging Emily Jhane Sandoval Innovero" -Shen. Napangiti ako sa sinabi niya. Naalala ko lang dati, ang buong akala ko makukuha ko ang apelyidong iyon gamit kay Carl. Nakakatwang isipin na hindi pala, makukuha ko iyon dahil kay Cirk.

"Mahal kita, Jhane" ewan ko pero bigla ako natahimik ng sabihin niya iyon. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing naririnig kong sinasabi niya iyan, dahil nakokonsinsiya ako. Bakit ba hindi ko kayang ibigay ng buong buo ang puso ko sa kanya?

"Basta jhane tandaan mo, wala kang pagsisihan sa wedding na'to" pinisil na naman niya ang ilong ko.

"Awww" bakit ba sa loob ng dalawang taon. Lagi na niya ginagawa sa'kin 'to? Ang sakit eh huhu.

"Hahaha! Ang cute cute talaga ng Fiancee ko haha!" Ayan tumatawa pa talaga huhu. After niyang pisilin ang ilong ko ngayon naman kinikliti niya ako. Kaya tawa ako ng tawa dito.

"Ano ba Shen" pagsita ko sa kanya.

"Hahaha! Kailangan ka pa pala kilitiin para lang tumawa ka" Napahinto ako sa pagtawa at tumingin kay Shen. Nakangiti siya sa'kin, bakit everytime nalang na kada titingin ako sa kanya, ang mga ngiting iyan ang sinasalubong niya sa'kin. Kaya mas lalo ako di mapakali.

Meet My Fiance [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon