1

3.2K 102 6
                                    

"Athena! Get back in here!"

She stucked her tongue's out and waved her hand. "Bye, kuya!" Tumakbo siya palabas ng malaking bahay nila. Aakalain ng makakakita na hinahabol siya ng maligno sa bilis ng takbo niya hanggang sa labas ng village.

His brother enrolled her to finish her highschool but she doesn't want to go to school that's why she's running away from him.

"Athena Silva, an eighteen-year old lady, a theater actress from the drama 'Loving a woman from venus.' It's a romantic-comedy play between a guy who fell for an alien, who is naive and very ignorant," maarteng pagbabasa ng kaibigan niyang si Tricia sa script na dala niya. "So, are you ready?"

"Ready!"

"Here's the plan," anitong matamis na ngumiti.

***

"Xandrick, wala ka parin bang girlfriend?"

"Here we go again," bagot niyang sabi sa sarili.

"Nako daddy baka nga kasi bakla talaga si kuya kaya--"

Hindi natapos ang sasabihin ng kapatid niyang si Xyla dahil tinignan niya ito ng masama. Kasalukuyan silang kumakain ng almusal ng pamilya niya. "Daddy,  Mommy, si Kuya o," nakanguso sumbong ng kapatid niya.

"Xyla, 'wag mo kasing asarin ang kuya mo. Alam mo namang pikon yan," saway ng mommy nila at mas lalo namang napanguso si Xyla.

"Daddy?" paghihingi ng tulong ng kapatid sa daddy naman nila. Kakampi kasi niya ang ina at kakampi naman ng kapatid ang ama nila.

"Ikaw naman kasi Xandrick wag kang pikon. Sobrang puti mo naman kasi kaya ka napagkakamalang bakla. Wala ka ring girlfriend at laging yang pinsan mong si Dexter, at ang magpinsang Lorenz at Lark ang lagi mong kasama. Sino ba sa kanila ang gusto mo?" biro ng daddy niya.

"Dad!"

"Hahahahaha, " ani Xyla sabay bhelat sa kanya. Palibhasa isip bata ito.

"Shut up charcoal!" inis niyang saway sa kapatid at bumaling sa ama. "Dad, having no girlfriend doesn't always mean that your gay. Marami rin namang iba dyan na wala ring girlfriend, hindi lang ako."

"Drick, iba ka at iba sila. Kataka-taka naman talaga."

"Kuya, talaga namang  nakapagtataka na wala kang girlfriend. Sa gwapo mo ba namang yan--impossible," segunda ng kapatid sa sinabi ng daddy nila.

"Tama nga naman Xandrick. You do have the looks pero bakit wala ka pa ring girlfriend? Tell me, nababasted ka ba or sadyang torpe ka lang," takang sabat din ng  mommy niya.

"T-Torpe?" D*mn! Heto at pinagtutulungan na naman siya ng buong pamilya. "Hey! Bakit hindi nalang tungkol sa studies namin ni Xyla ang kamustahin niyo? Enough of that girfriend stuff! Baka 'pag nagdala ako dito ng babae ay magulat kayo," inis niyang sabi sa kanila at tumayo na. "Papasok na ko." Iniwan niyang natahimik ang mga ito dahil sa sinabi niya.

SASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon