8

1.7K 91 31
                                    


"Xyla? Charcoal!" 

Bumukas ang pinto at iniluwa si Xyla na bagong paligo lang. "Bakit kuya?" 

"Puntahan mo nga muna si Sasa sa kwarto ko. Tulungan mo muna siya don," utos ni Xandrick sa kapatid niya. 

"Something wrong? Nagmamadali kasi ako kuya, si mommy nalang," sabi ni Xyla habang iniayos ang sapatos niya. "I'm gonna be late for school. Byeee kuya." 

"Hey wait!" sigaw ni Xandrick at sinundan pa ang kapatid pababa ng hagdan. Huminto naman si Xyla na nakatingala pa sa kanya. Nagdadalawang-isip pa siya kung sasabihin ba niya. "A-Ah.."

"Faster kuya, I'm in a hurry!"  Ipinadyak ng kapatid ang paa.

"D-Do you have this.... Ahm, you know?" Napapakamot sa ulo na tanong ni Xandrick.

"What is it?"

"That thing you used."

"What thing?"

Nayayamot na siya sa pagka-slow ng kapatid niya. "Come on Xyla, you already know what I mean. That thing every woman used in times of....o-of you know." 

"Ano nga?! Nagmamadali ako ee! Andyan na school bus ko!"

"Ahm..." 

Malakas na bumusina ang school bus sa labas. "Okay. Byeee! See you later..." sigaw ni Xyla at tumakbo na pababa. 

Hinabol naman ito ni Xandrick at hinawakan sa braso. Nagpapadyak naman ng paa si Xyla habang nakatingin sa kuya niya. "Fine! Do you have n-napkin?"

Napataas ang kilay ng kapatid niya. "Si yaya Celia ang tanungin mo. Byeeeeee." 

Hinabol nalang ito ng tingin ni Xandrick. Pumunta siya sa kusina para itanong kay yaya Celia. Nakita niya ito sa likod-bahay na naglalaba. "Yaya celia."

"O, Xandrick, ano yon?" 

"A-Ah, do we....d-do we have n-n-napkin?" mahinang sabi niya

"Napkin ba kamo?" anang matanda at tumango naman si Xandrick. "Aba'y sino naman ang gagamit non?"

"Si Sasa po."

"Ano kamo? Akala ko ba buntis siya? Eh, bakit may regla?" 

Napapangiwi si Xandrick na tumingin kay yaya Celia. Naiilang siya sa pinag-uusapan nila, medyo awkward sa parte niya. "She's not."

"Ganon ba? Sayang naman, akala ko pa naman may maaalagaan na ako sa susunod na taon," ani yaya Celia na bakas ang panghihinayang sa mukha. "Hala, tingnan mo nalang doon sa mga cabinet." 

Naglakad na si Xandrick pabalik ng kusina at tinignan lahat ng cabinet. Halos mailang ulit na niyang binuksan ang kada cabinet at sabay halughog dito pero wala siyang makitang napkin. Inis siyang bumalik sa likod-bahay. "Yaya Celia, bakit wala?"

"Paanong wala? Eh, kagogrocery lang namin kahapon ng mommy mo. Itanong mo nalang sa kanya." 

SASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon