6

1.7K 63 5
                                    

All the single ladies, all the single ladies

All the single ladies, all the single ladies

All the single ladies, all the single ladies

All the single ladies

Todo kembot si Sasa sa salaw ng musika. Ginagaya niya ang sumasayaw sa telebisyon. Fast learner nga kasi siya, madali niyang nakabisado ang mga steps. Napansin niya ang binata na nakasandal sa pinto. "Pangga! Ahehehehe sayaw tayo." Hinila niya ito habang kumekembot pa.

"I don't dance."

"Tuturuan kita pangga." 

"No, thanks,pasupladong sagot na naman nito.

"Sige na panggaaaaa." 

Bumuntong-hininga ito dahil talagang hindi niya ito titigilan. "Mamamasyal tayo sa park, 'di ba? Magbibihis muna ako." 

"Sandali lang kasi pangga, sayaw muna tayo. Tuturo ko sayo yong tinuro don sa t.v." 

"Hindi na nga dummy, mag--"

Hinawakan niya ito sa pwet na nagpatigil sa pagsasalita nito. Hahaha, ramdam niyang nanigas ito. "Ikembot mo lang ang pwet mo pangga." Pumunta siya sa harapan ng binata at don sumayaw. "Gayahin mo ako pangga." 

Sayaw parin siya ng sayaw. Pagtalikod niya, paakyat na si Xandrick ng hagdan. 'Two points for Athena, hehehe!' Umakyat na din siya at kumatok sa pinto ng silid nito. "Pangga." Bumukas ang pinto at iniluwa ang nakapagpalit ng binata. "Isasama natin si baby fluxy, ha?"

"Bahala ka."

Nakasalubong nila sa baba ang mommy nito. "Aalis na po kami mommy. Isasama po namin sa baby fluxy."

"Hahaha, mag-iingat kayo." 

"Sige po," aniya.

"Enjoy," pahabol na sigaw ng mommy nila.

"Tss!" singhal ng binata nang pinagbuksan siya ng pinto. 

"Excited ka ba pangga?" 

Hindi na naman siya sinagot nito. Minsan naiisip niyang bingi ang binata o 'di kaya'y pipi. Maya-maya lang ay huminto na ang kotse sa tabi ng daan. Excited na siya dahil sa tanang buhay niya, ngayon lang siya makakapunta sa park.

Bumaba agad siya at hindi na hinintay si Xandrick.  Lumapit siya doon sa mga batang nasa slide at pumapalakpak tuwing may nagsaslide na bata. Ramdam niyang pinagtitinginan siya ng mga tao pero wala siyang pakialam, sanay na siya doon at isa pa, iyon nga ang gusto niya--atensiyon.

"Dummy!" 

Sinalubong niya ang binata at hinila papunta doon. "Ikaw naman pangga." Ibinigay niya si fluxy rito at tinulak tulak ito patungo sa hagdan ng slide. "Go, go, go, pangga!" Hindi na naman maipinta ang mukha ng binata. Halos lahat ng tao ay nasa kanila na ang atensiyon.  "Go pangga. I love you!" 

SASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon