9

1.3K 72 4
                                    

"Pangga bakla."

Nababagot na naman si Sasa sa bahay. Hinahanap na niya ang buhay sa labas, ang gawin ang mga gusto niyang gawin. "Pangga, pasyal tayo." Naisipan niyang yayain nalang si Xandrick na lumabas.

"I'm busy." Kaharap na naman nito ang makakapal nitong libro. Nako! Bibili talaga siya ng gasolina at posporo!

"Pangga bakla...." Nababagot talaga siya, gusto niyang lumabas. Kahit saan basta sa labas! Tumayo ang binata at sinundan naman niya ito. "Pangga bakla, labas tayo."

"Tss!" Nagbabasa ito habang palakad-lakad. Nasa likuran din siya at nakasunod. Tinatalikuran kasi siya nito at hindi pinapansin. "Hello? Yeah, I know...." Nababagot nitong sabi sa kausap sa cellphone. "I'll be there...hmmm...I'll just finish my assignment...see you..."

"Sama ako, Pangga bakla."

"Freaks and aliens aren't allowed in bullet, so you better stay here," anito na niligpit ang mga makakapal na aklat saka nagbihis. Nakatalikod itong naghubad sa mismong harapan niya. Sanay na siya, pang-itaas lang naman.

Nakangusong lumapit siya rito. "Pangga..." Nagspray ito ng pabango at lumabas. For the nth time, inisnob na naman ang beauty niya! Nakakaasar! "Pangga....sama ako," parang bata niyang saad. Umiinom ito ng tubig. Kumapit siya sa braso nito hanggang sa paglabas ng dining area. "Pangga!"

"I said no! D*mn! Will you quit pestering me!" asik nito sa kanya. Natahimik siya.

"Xandrick!" Pareho silang nagitla sa boses ng daddy Cedric nito na nakatayo sa hagdan. "What was that?"

Napabuntong-hininga ang binata na sinulyapan siya at itinuon sa daddy ang pansin. "She's getting into my nerves, dad!"

"But that's not enough reason to be rude and yelled at her. I never did and will never do it to your mom, Xandrick," pangaral nito. Napayuko siya para lalo siyang kampihan nito. Hinagod naman nito ang likod niya. "That's malevolence."

Napasinghal ang binata na umalis. Humarurot pa ang kotse nito palabas. Humingi ng pasensiya ang daddy nito sa kanya. Nagpaalam siyang aakyat na sa silid niya para magpahinga.

"Ayan." Kinumutan niya ang unan sa kama at pinatay ang ilaw. Pinapakiramdaman muna niya ang paligid bago tumalon sa bintana at tumakbo palabas. Sumakay siya ng taxi at nagpahatid sa iisang lugar.

***
Isang babae ang bumaba ng taxi, wearing a blue dress and a doll shoes. Naglalakad ito patungo sa gawi niya pero pustahan, hindi siya napapansin nito.

SASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon