4

2.1K 74 5
                                    

Pagkagising ni Sasa kinaumagahan ay dumiretso agad siya sa kwarto ni Xandrick, para sa kanya, 'daig ng maaagang gumigising ang matalino at masikap!'

Nakaupo lang siya sa kama habang kandong si fluxy. Hinihintay niyang magising si xandrick. "Hmmm? Maputi ka rin pala." Sinipat niya ang pagmumukha nito at gwapo! Bumaba ang tingin niya sa braso nito, sa dibdib at tiyan hanggang sa mga binti. Napasimangot siya, bakit? Kasi wala siyang mahanap na kapintasan rito maliban sa ugaling 'stupid-bakla! Suplado-gwapo!' Hindi na 'suwangit' kasi gwapo naman talaga ito.

Nilibot niya ng tingin ang kabuuan ng kwarto ni Xandrick. Marumi ito, kaya tumayo siya at naisipang maglinis muna habang hinihintay na magising ang binata.

Lahat ng nakikita niyang ginagawa ng mommy nila Xandrick sa daddy nila ay ginagaya niya at ginagawa rin kay Xandrick. Ganoon kasi sa dulang pinagbibidahan niya.

Nasa tapat na siya ng study table ng binata ng matigilan siya. Hindi nga pala siya marunong maglinis! Hindi siya marunong magluto! Wala siyang alam sa gawaing bahay dahil lumaki siyang alagang-alaga ng kapatid at uncle niya. Ang alam lang niyang gawin ay ang umarte, ang mga natutunan niyang martial arts mula sa uncle niya at higit sa lahat ang maging pasaway sa mga ito. Yon lang ang kaya niyang gawin!

"Huhuhu, minsan talaga, ang tanga mo Athena," aniya sa sarili at sinimulang ayusin ang mga nagkalat na libro ng binata. "Sessh! Ang kapal naman ng librong 'to," komento niya sa mga librong nagkalat. Wala din siyang hilig sa pag-aaral dahil magiging pasaway lang siya sa mga teachers niya. Third year highschool lang ang nakaya niya dahil naaawa na siya sa mga teachers pati na sa guard ng school sa kakahabol sa kanya kapag nag-cutting classes siya. Sumang-ayon na rin ang kapatid niyang titigil muna siya sa pag-aaral. Doon niya nagawa ang first at second quest niya, na puro failed!

Ngayong kakauwi lang niya galing sa Canada, pinag-aaral na siya ulit ng kuya niya pero tinakbuhan niya ito. Ayaw niyang mag-aral dahil naaawa na siya sa mga magiging teachers niya!

Hindi niya namalayang natapos na pala niyang ayusin lahat ng kalat. Fast learner naman siya, ginaya lang niya ang paglilinis ni yaya Celia tuwing naglilinis ito sa umaga. Palingon lingon pa siya kay Xandrick habang naglilinis.

Nang gumalaw ang binata ay agad siyang lumapit dito at nakangiting tinitigan ang mukha nito. Sa wakas ay nagmulat na rin ito ng mata. "Good morning, pangga," masaya niyang bati dito at hinalikan na naman ito sa pisngi. Mukhang nagulat na naman ito.

"Why are you here this early?"

"Hinintay kasi kitang magising, Pangga. Tara na sa baba kain na tayo." 

"Mauna kana." Natigilan ito nang makita ang nakaayos ng study table.

"Nagustuhan mo ba, Pangga? Nilinis ko ang kwarto mo."

"I will be more happy if you get out of my sight. Ang aga-aga nambibwisit kana." Umalis ito sa kama at dumiretsong pumasok sa banyo. Hinintay niya itong lumabas. At nang lumabas ay bagong ligo na. "Bumaba kana Sasa." 

Lihim siyang napangiti. Mabait naman pala ito kapag bagong gising. "Hindi, hihintayin kita, Pangga." Napatingin siya sa katawan nito. Nakatapis lang kasi ito ng tuwalya paglabas ng banyo.

"You're creepy. Labas at magbibihis ako," taboy nito sa kanya habang naglakad papunta sa closet.

"Hindi pangga, hihintayin nalang kita. Sandali ka lang naman magbihis, 'di ba?" 

SASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon