13

1.8K 78 24
                                    

"Go."

"Samahan mo 'ko, Pangga." Napanguso siya. Umalis agad ito kasama si Dexter. Tinawanan naman siya ni Tricia nang pumasok sa restroom. Medyo nagkagulatan pa sila ng nakabulagtang ipis pagkabukas niya sa gitnang cubicle. Habang nakikinig sa mga nag-uusap sa labas ay abala naman siya sa pagdidikit ng ipis sa pinto.

"Really? I wanna see it."

"Was it Michael Alonzo? Ow-em-gee! Seriously? Are they gays?"

"Let me see din naman, girls. Oh? This. Maybe, that's their trip-trip lang. Or maybe edited pic. Alam niyo na."

"Obviously, that's not edited."

"You bluetooth that to me nga. Thanks. See? Its edited."

"It's not. I'm an IT student. We're more on computers, apps, websites, etc. It's not edited."

"It's edited nga! You're so tanga naman. IT course pa naman ikaw. Duh!"

"Tara na nga! May epal dito."

"Me? Epal? You're just inggit! Tanga people are everywhere na talaga." Nabungaran niyang nagreretouch si Monica. Natigil ang kamay nito sa ere nang makita siya sa salamin.

"Hi, Ate Monica," bati niya rito.

"Yuck! Don't call me ate. We're not sisters. I hate you na kaya. I wonder anong nagustuhan ni Xandrick sayo. You look tanga-tanga din."

Ang sakit naman nitong magsalita. Kahapon lang ay ang ganda ng pakikitungo nito sa kanya. "Gusto mo sama ka samin sa canteen?"

"No! I don't befriend with karibal! 'Di hamak na mas beautiful ako sayo and sexy. You may be have a fair skin pero wala ka nito. Can you see this." Humarap at lumiyad ito sa kanya para lumitaw ang maumbok na hinaharap. "You don't have this. In short, you're not hot! You're just plain and common." Ang dami agad sinasabi para inaya lang niyang kumain. Tahimik lang si Tricia sa tabi. Hindi halatang nakikinig. "You're no match for Xandrick. I'll talk to her mother."

"Kay mommy?"

"M-Mommy?" Gulat na baling nito sa kanya. Tumango-tango siya na mas lalong ikinainis nito. "Don't call her that! I'm the only one na may karapatang tawagin siyang mommy. You're so makapal! I'll give tita Xandra a visit. And you watch out, Sasa dahil aalamin ko lahat ng baho mo!" Pumasok ito sa nilabasan niyang cubicle. "Trust me, hahalungkatin ko lahat-lahat. OMG! There's an ipis here! OMG! Open niyo ang pinto!" Iniwan nila itong nagsusumigaw sa takot, hindi makalabas dahil nasa pinto ang ipis.

"Goodness gracious! Sa ipis lang, takot? Kung makabanta sayo, wagas," ani Tricia habang patungo sila sa canteen.

"Potchie, nag-order na 'ko para sa inyo."

"Thanks pumpkin."

"Kiss nalang, potchie." Nakanguso si Dexter na tinampal naman ni Tricia. "K, fine. Date nalang, Potchie. Nuod tayo sine mamaya," anang binata. Natatawang sumang-ayon ang dalaga.

Natutuwa siya para sa kaibigan dahil mukhang makukuha na nito ang title na pinapangarap. Binalingan naman niya si Xandrick. "Pangga, gusto ko rin ng date."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon