H3

3.4K 57 8
                                    

H3

Lips

I woke up very early today because I don't wanna look like a panda pag sundo sa akin ni Finnick. I still need to plot on how to kick him away from being my tutor.

I wore a simple white cropped top and a high waist pants together with my ankle boots. Itinali ko din ang buhok ko saka inabot ang bag saka nag pasyang bumaba.

Pababa ng hagdan ay kumunot ang noo ko nang marinig ang malanding boses ni Brianna. Nakita ko sa salas si Finnick na nag aantay habang pinapakitaan ito ni Brianna ng nakakadiri nyang cleavage.

Tumayo kaagad si Finnick nang makita ako. Hindi neto pinansin si Brianna saka lumapit sa akin.

"Morning," he greeted.

Ngumuso ako. "You're early. Tara na?"

Kaagad itong tumango. Tumingin ako kay Brianna ay nakita kong masama na ang tingin neto sa akin ngayon. Tinaas ko ang isang kilay ko.

"What? Do you like him? You're disgusting. Showing your cleavage forcefully makes it look like an ass of a child," umirap ako. "On the second thought, mas maganda pa ang pwet ng bata,"

Kaagad na namula ang mukha neto. Tumingin ito kay Finnick saglit bago nag walk out. Lumabas na ako nang mansyon at sumunod naman sa akin si Finnick.

I looked at Finnick and he was wearing a smirk on his face. "Why are you smirking?" tanong ko dito.

Ang ngisi neto ay unti unting naging nguso. Umiling ito. "Nothing," he cleared his throat. "Let's grab breakfast first."

Tumango ako. "Okay,"

Mabagal lang ang patakbo ni Finnick sa kotse. Nilabas ko na lamang ang cellphone ko at nag live sa Instagram.

"Hey flowers!" napabaling ako kay Finnick.

Sumulyap din ito sa akin. Iniwas ko ang tingin ko saka binalik sa cellphone.

"Let's do a question and answer!"

Madami kaagad ang nag reply ng mga tanong duon para sa akin. Ngumuso ako nang makita ang nga tanong.

May boyfriend ka po ba?

May kapatid ka bang lalake? Mine mine mine!!!

"No... I don't have a boyfriend," sabi ko saka ngumiti. "I also don't have a brother." humalakhak ako.

"Where do you wanna eat?" tanong sa akin ni Finnick.

Nanlaki ang mga mata kong napatingin dito at sunod sunod na naman ang comment ng followers ko.

Sino yun ate? May boyfriend ka talaga e!!

Oh my God! Ang gwapo ng boses!!! Kyah!!!

Gwapo!!!

I pouted my lips. I wanted to smile but I stopped myself from doing so. Nagpaalam na ako sa mga followers ko at inend ang live. Finnick always has his ways. Nag isip ako ng gusto kong kainin.

"Drive thru nalang tayo sa McDonalds so that we won't waste time," sabi ko dito.

"Alright, flower..." he teasingly said with a smirk on his face.

Nangingiti akong umirap. "You're so annoying,"

He chuckled. "I only tease you,"

"Oh!" bumaling ako dito. "So I'm your target for bullying,"

He groaned. "Baby, bullying is bad. It's only a little tease..." he playfully smiled. "Or not?"

My heart thumped so fast it's almost annoying! I rolled my eyes again at hindi na pinansin si Finnick. Nag drive thru kame sa McDo kaya kumain na lamang ako habang nasa byahe kame.

PLAYED BY THE TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon