Chapter III: Bad Boys' Princess

179 9 5
                                    

-Candice's POV-



Monday. This will be my first day of school. Nakakaexcite na nakakakaba.



Paano ba naman. Kay bago bago ko tapos wala manlang akong kakilala sa school. Kasi diba nga, hindi ko daw kilala ang apat na unggoy na yun. Pssh!




Makapag-ayos nalang nga. Mamaya ko na iisipin ang kapalaran ko sa Hearstring Academy. Mamaya malate pa ako.




After 2372618199 years ay natapos din ako sa pag-aayos. Pumunta na akong kusina para kumain nang breakfast.




Bread, apple and a glass of fresh milk. Kakaibang kakaiba sa inaalmusal ko doon sa palasyo namin. Haay. May mga disadvantages din pala ang paglayo ko. Hoho.




Namiss ko na yung mga luto ni Ginang Han. Yung mga pagsisilbi niya sa akin. Those things na hindi ko naappreciate nung nandoon ako. Aist.




Bago pa ko maiyak dito ay tinapos ko na ang pagkain at kinuha ko na ang bag ko saka lumabas na.




Pagkabukas ko nang pinto ay muntik na akong atakihin sa puso dahil sa gulat. Nakatayo lang naman si Drake sa labas nang unit ko habang nakasandal sa pader crossing his arms, crossing his legs, magkadikit ang kilay at masama ang tingin sa akin. Halatang kanina pa niya ako hinihintay.




I heaved a sigh. Nakakapanibago ang anyo niya but I have to deal with it.




"Are you going to stare at me until forever? Hindi mo ba alam kung anong oras na?" galit na sabi niya.



"Oras?" I checked my wrist watch. "Oras na para mahalin mo ako. Pfft." I winked at him and hold my laughter.




Yung expression kasi ni Drake. Haha. Dumilim nang bongga ang mukha niya eh.





"Tigilan mo ako sa mga kalokohan mo Candice. Bilisan mo na at malelate na tayo. Kung bakit kasi ako pa ang naatasang sumabay sayo." pagrereklamo pa niya saka nauna nang maglakad.




Mabilis naman akong sumunod sa kanya habang ngingiti ngiti parin. Hanggang sa nakasakay kami sa elevator ay di parin maalis ang ngiti ko.




"Masaya ka pa yata?" inis na sabi niya pagkaraan.




"Pati ba naman sa pagiging masaya pagbabawalan niyo din ako?" sarkastiko kong sabi. He just glared at me kaya tumahimik na ako. Baka mamaya, bumulagta nalang ako dito nang walang sugat. ^O^




Hindi pa ako pasakayin niyan sa kotse niya. Patay ako. Haha.



Hanggang sa makarating kami sa kotse niya ay tahimik lang si Drake. Tss. Mapanis sana laway niya.



"Here's the school map." sabi niya sa akin habang inaabot ang parang brochure. "You're in Grade 10 section 1. Hindi mo na kailangang pumunta pa sa Principal's office dahil ok na ang lahat. Dumeretso ka nalang sa room niyo." tuloy tuloy na sabi niya habang sa daan lang ang tingin.



"Room niyo? Bakit hindi tayo magkaklase?" nagtatakang tanong ko.



Alam ko kasi parehas kaming Grade 10 ni Drake pati si Alex, Kristoff at Lester. Matalino si Drake kaya imposibleng hindi siya mapabilang sa section 1. Yung tatlo, pwede pa sana sa lower section. Haha. Joke lang. Matalino silang lahat, hindi lang halata.




"Magkaiba ang building nang girls at boys Candice. We have common canteen, library, gym, swimming pool, field, etc. but we do have different classroom buildings, 'Yeoja' and 'Namja'. Obviously sa Yeoja doon ang classroom building niyong mga girls at sa Namja building naman ang sa aming mga boys."




Bad Boys' PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon