Chapter I: Hello Princess

269 10 3
                                    

-Candice's POV-

"A-ano pong sabi niyo Ama?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Ngayon din ay pupunta ka sa lugar nang iyong Ina. Doon ka mag-aaral at sana ay mahubog mo nang mabuti ang iyong sarili doon." matigas ang ekspresyon nang mukha niya habang sinasabi ang mga yun.

"P-pero Ama---"

"Wala nang pero pero Candice Lucille! Aalis ka sa ayaw at sa gusto mo! Ngayon, pumasok kana sa iyong silid at mag-empake."

Wala na akong nagawa kundi sumunod sa utos niya. Nakayuko ang ulong lumakad na ako papunta sa aking silid.

Nang makapasok na ako ay dahan dahan kong inilapat pasara ang pinto. Nang tuluyan ko nang maisara ang pinto ay patakbo akong pumunta sa kama ko sabay pasalampak na nahiga.

"YES! YES! Oh my gosh!!! Sa wakas makakaalis na rin ako sa palasyong to! Waaahhhh!!" pagtitili ko habang hinahampas hampas ang mga paa at kamay ko sa kama.

You wouldn't know how happy I am! Hahaha.

Nang mapagod na ako sa pagsasaya ay tumayo ako para kunin ang cellphone ko. Waaahh! Excited na talaga ako!

"Drakeeeee~~" tili ko nang may sumagot na sa kabilang linya.

[May balak ka bang gawin akong bingi Candice?]

"Tch! Ang suplado mo talaga. Masaya lang ako ngayon." napabungisngis pa ako nang maisip ko na naman na aalis na ako dito sa palasyo. Malaya na akong gawin ang gusto ko nang walang nakabantay sa akin!

[May ginawa kana namang kalokohan diyan ano? Bakit ka masaya? May trabahador kana naman bang pinadapa sa putikan? May butiki na inilagay sa kaserola? May---]

"Hep, hep, hep! Awat na Drake. Awat na! Masyado kanang maraming nasabi." awat ko naman sa mga pinagsasabi niya.

Masyado na niya akong pinagmumukhang masama eh. Di naman ako ganun kasama diba? Slight lang. Hihi.

[Eh ano nga?]

"Excited? Eto na oh, sasabihin na." I paused for a moment. Sinasadya ko talagang bitinin siya. Hahaha. "I'm going there!" masayang sabi ko.


[W-what? Can you please say it again?]

"I'm going there. Pupunta ako diyan. Diyan na ako titira. Makakasama niyo na ako!" masayang pahayag ko.

[Are you serious?]

"Mukha ba akong nagbibiro? Bakit parang hindi ka masaya na magkakasama na ulit tayo?"

[Hindi talaga ako masaya!]

"Tch! Whatever! Sige na at mag aayos na ako nang mga gamit ko. Sunduin niyo ako sa airport ha. Babush!"

Yun lang at ibinaba ko na ang phone. Yiiiii...

Pakipot pa si Drake. Alam ko namang miss na miss na nila ako eh. Hehe. Excited na talaga ako!

☆☆☆

Drake's POV

Kakababa lang ni Candice sa tawag niya. Hindi parin ako makapaniwala sa ibinalita niya. For God's sake, pupunta siya dito!

Si Candice Lucille pupunta dito!

I really need to be ready. Paniguradong gulo ang dala nang babaeng yun.

Napapitlag pa ako nang biglang mag ring ulit ang phone ko. Tiningnan ko muna kung sino ang tumawag. Baka si Candice na naman, wala akong balak kausapin siya.

Bad Boys' PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon