Chapter VII: Who's She?!

155 7 6
                                    

-Candice's POV-



"Ang puso!" narinig kong sabi ni Kristoff kay Drake kaya napalingon ako sa kanila.




Nauna na kasi kaming pumasok. Nakita ko si Drake na nakatingin parin sa direksyon kung saan doon nila nakita yung sabi nilang Feby. Nginitian pa siya nang mapang-asar ni Kristoff kaya binatukan ito ni Drake.





"Haha. Pumasok na kasi. Nandoon na sila sa loob." sabi nalang ni Kristoff.




Nakita ko pa ang pagsilay nang ngiti sa mga labi ni Drake sabay iling bago tuluyang pumasok na dito sa loob.



Sino yung Feby? Bakit parang may something sa kanila ni Drake?



"Eh, hindi naman kami yung nakagawa na naman nang kasalanan Ma'am. Kayo naman oh." narinig kong sabi ni Lester sabay kamot nang ulo niya.




Ano na ba yung pinag-uusapan nila? Masyado kong natuon kay Kristoff at Drake yung atensyon ko kaya hindi ko na narinig ang pinag-uusapan nila.




"Eh bakit pala kayo nandito?" nakataas ang kilay na tanong nang guidance councilor.



"Baka 'ka ko namiss niyo na kami. Matagal tagal narin nung huli kaming napadpad dito eh. Hehe."




"Nakapagtataka nga eh. Bumait bait yata kayo?" tiningnan pa niya kaming lahat. "Sino ka naman?" sabi niya sabay suri sa akin.





"Aha! Bagong recruit namin yan Ma'am. Ginagarantisado ko sa inyo. Magiging suki niyo rin yan dito. Haha." Inakbayan pa ito ni Lester matapos sabihin yun. Ganyan sila ka close?




"Siya yung nakagawa nang offense this time Ma'am." si Alex.




"Oh, siya yung nakalaban ni Scarlette. Padami na kayo nang padami ah. Tsk!" umiling iling pa ito.





"Ho? Paano niyo nalamang ako yung nakalaban ni Scarlette?" nagtatakang tanong ko.




"Nandito na siya nanggaling kanina Ija." casual na sabi niya.




"I forgot to tell you Princess. In this School, we students voluntarily surender ourselves here whenever we did an offense." sabi ni Drake sabay prenteng umupo sa may sofa sa gilid. Sumunod naman si Kristoff at naupo rin katabi nila si Alex. Si Lester naman ay nakatayo parin sa gilid nang guidance officer.




"Tama si Drake Ija. Sila na mismo ang nagdadala nang sarili nila dito bago pa sila maunahan nang ibang students kasi mas mahirap na parusa ang ipapataw sayo pag nagkataon. That makes our work a lot more easier. Hindi na kailangang kami pa ang magpatawag sa kanila." Tumawa pa ito nang marahan.




"Oh..." tanging nasabi ko. Wala eh! Na-aamaze ako sa uniqueness nang school na to. Imagine? Ikaw mismo pupunta dito sa guidance imbes na ipatawag ka muna. Ang babait naman nila. Hahaha.




"In your case, naisumbong ka nang mga kaibigan ni Scarlette, but since baguhan ka pala dito you're exempted. But, may parusa parin." she smiled at me.




"Ano naman po yun?"




"Tutulong ka sa clinic for an hour every day for a week."



"Ang dali naman nung sa kanya Ma'am! Ang daya naman!" reklamo ni Lester.




"Bakit?! Gusto mo akong pahirapan?" singhal ko sa kanya.




"Oo! Haha--" natigil yung tawa niya nang bigla siyang lapitan ni Kristoff at batukan.




Hahaha. Buti nga sa kanya. Binelatan ko nga.




Bad Boys' PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon