Chapter X: Double Date???

152 9 5
                                    

-Drake's POV-



"Feb wait!" sigaw ko nang makita si Feby na naglalakad sa hallway patungong building nila.




Narinig naman niya siguro ang tawag ko kaya tumigil siya at lumingon sa akin. She smiled at me as I walk towards her.




"Oh Drake, bakit?" nakangiting tanong niya.




"Ano kasi..." pag-aalinlangan ko sabay kamot sa ulo ko.




I don't know why pero tuwing nakakaharap ko si Feby parang umuurong yung dila ko. Bigla akong kinakabahan na ewan.



"What?" natatawa nang tanong niya.




Eh bakit naman kasi nagkakaganito ako sa harap niya. Diba cool guy ako? Tapos parang ewan ako ngayon dito. Tsss.




"Ano kasi..." I took a deep sigh. "Are you free later? Gusto sana kitang yayaing lumabas." lakas loob na tanong ko.




"Haha. Yun lang naman pala eh. Sure!" masayang sabi niya. "Pero paano si Candice? Diba sabay kayong umuuwi?"




"Ahh, si Kristoff ang kasama niya ngayon. We've decided kasi na gawan nang schedule kung kanino sasabay si Candice." paliwanag ko sa kanya.




"Wala bang sariling car si Candice? I bet she can afford to have one." she said.




Naglalakad na kami ngayon papunta sa classroom nila habang nagkukwentohan.




"Nah! We won't allow her to drive. Masyadong delekado. Hindi pa naman niya kabisado ang Manila."




"Ang protective niyo talaga sa kanya. Ang swerte ni Candice sa inyo." she face me and give a sweet smile.




"Para narin naming kapatid yang si Candice. She may be a bratt but she's so special to us. Lalo pa at puro kaming walang kapatid na babae."




"Halata ngang spoiled siya sa inyo. And napapansin ko lang ang tapang niya. Wala siyang takot at palaban."




"Lumaki kasama kami eh. Kanino pa ba naman niya kukunin yan? Haha. Biro lang. Pero ganyan talaga yang si Candice. Pasaway, maraming kalokohan sa katawan pero kung makikilala mo lang siyang mabuti she's very sweet and loving."




"I can see how special she is to you." makahulugang sabi niya.




Sasagot pa sana ako nang biglang sumulpot si Scarlette at ang mga alipores niya.




"Hi Drake!" bati niya sabay smile na parang nang aakit. Ugh. Ang gross tingnan. Haha. "Oh, hi Feby, nakabalik kana pala. At magkasama na naman kayo." nakataas ang kilay na sabi pa niya.




"Yup! Kahapon pa ako nakabalik." matipid naman na sabi ni Feby




"Alam mo na bang may bagong babae tong manliligaw mo? Tsk! Kawawa ka naman." nagcross arms pa ito at umiling iling.




"Bagong babae? Ahh, you mean Candice. Yung babaeng nagpaligo sayo nang juice kahapon. Yeah, I know her. Actually we're friends." ngumiti pa ito kay Scarlette na ikinainis nito at nagmartsa na papalayo.




"Hindi parin nagbabago si Scarlette. Buti nalang at hindi ka niya pinapakialaman kahit alam niyang nililigawan kita." sabi ko.




"Hindi ako pinapakialaman dahil Daddy ko ang may ari nang School na to. Pero siguro kung normal na student lang ako dito matagal narin akong napagtripan nang mga yan. Kaya nga bilib din ako kay Candice. Siya palang yung babaeng di nangiming patulan sina Scarlette."




Bad Boys' PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon