Chapter IX: Someone To Lean On

137 7 6
                                    

-Kristoff POV-



Kanina pa ako katok nang katok dito sa unit ni Candice pero walang sumasagot. Kahit cellphone niya hindi niya rin sinasagot. Ano bang nangyayari sa babaeng yun?





I tried to dial her number again at sa wakas may sumagot na sa kabilang linya.




"Why?" inaantok ang boses na sabi niya.




"What why? Hindi mo ba alam na may pasok tayo ngayon?" sabi ko sa kanya.





"I don't feel like going to school. Masama yata pakiramdam ko." she said.





"What? Bakit? May lagnat ka? Open the door." nagpapanic na sabi ko.




Eh kasi baka kung ano nang nangyari sa kanya sa loob. Siya lang mag-isa tapos may sakit pa siya.




"Just go to school Kris. Magiging ok din ang pakiramdam ko. You don't need to enter."




"Open the door or I'll break it." matigas na sabi ko.




I heard her sigh first before saying ok. Binaba ko na ang tawag at hinintay na pagbuksan niya ako nang pinto. Hindi naman nagtagal at bumukas na ito.




"Why are you still here? Malelate kana sa school." mahinang sabi niya, not looking on me.




"Masama ba talaga pakiramdam mo o tinatamad kalang talaga pumasok? Baka nakakalimutan mo wala pang one week simula nung pumasok ka sa school." litanya ko sa kanya sabay hakbang palapit at hinawakan ang mukha niya para suriin. "What happened to your face?!" nanlalaki ang matang sabi ko paglaraan.




Paano kasi, magang maga ang mata niya. Gawa siguro nang pag-iyak. Tapos ang itim itim pa nang paligid dahil din siguro sa puyat.





"Kasi nanood ako nang movie kagabi. Tapos nadala ako sa scenes, kaya eto." she reasoned out without looking at me.





"Candice, I know you're lying. Anong problema?" pamimilit ko parin. Alam ko there's something wrong with her.




Imbes na sumagot ay matamlay lang siyang naglakad pabalik sa loob. Sumunod naman ako sa kanya, still wondering why she's acting like that.




"Kristoff may pasok ka pa. Just go. Mamaya ko na sasabihin sayo." pagtataboy niya pa sa akin.





"No Camdice. I'll stay. Hindi ako papasok ngayon so sabihin mo na sa akin ang problema. Wag kanang makipagmatigasan dahil kilala mo ako, hindi kita susukuan." I looked straight at her eyes.





Nakikita ko pa ang pag-aalinlangan sa mukha niya. She sighed first before started talking.




"Kasi Kris..." she said after maupo sa sofa. Nasa mukha niya parin ang pag-aalinlangan. "Promise me hindi mo ko pagtatawanan and you'll keep this as our secret."




"Ok, I promise. Ano ba kasi ang problema?" pag-aasure ko sa kanya.




"Kasi---" naudlot ang sasabihin na sana niya nang biglang tumunog ang phone ko. "Sige, sagutin mo muna." she said.




Tiningnan ko naman ang caller ID at si Alex ito. Sinagot ko nalang ang tawag. Panigurado nagtataka na yun kung bakit wala pa kami ni Candice sa school.





Kung nagtataka kayo bakit ako yung sumundo kay Candice ngayon, dahil yun kay Drake. Nag message sa amin kagabi na magset daw siya nang schedule kung sino ang sasabay kay Candice. Palagi nalang daw kasi siya nadedelay.




Bad Boys' PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon