Chapter XIX: Win Her Back!

55 4 2
                                    

-Drake-


Inaantok kong inabot ang cellphone ko nang tumunog ito. Ang agang istorbo naman neto. Napabuntunghinga nalang ako bago dinampot at cellphone ko.



"Hello" humihikab na sabi ko nang sagutin ang cellphone.




"OMG Drake! Anong oras na, kagigising mo palang?" malakas ang boses na sabi ni Feby sa kabilang linya.



Inilayo ko nalang sa tenga ko ang phone dahil sa sobrang lakas nang boses niya. I looked at my phone to check kung anong oras na.



"God Feb! It's only 8AM! Sabado naman ngayon at walang pasok. Ano bang kailangan mo at ang aga mo akong binulabog?" medyo inis na sabi ko. Kasi naman po inantala niya ang tulog ko. Ilang araw din kaya akong puyat dahil sa kaiisip sa nangyari sa airport.



"You'll help me with the preparations for my party diba? Mamimili tayo nang materials ngayon so get up and fix yourself. Hintayin kita dito sa lobby nang condo." ma-awtoridad na sabi pa ni Feby.



"Pwede bang pass muna ako ngayon? I'm not in the condition to go Feb."matamlay kong sabi. Wala pa talaga akong ganang lumabas. Gusto ko pang magmukmok.




My heart is still aching. Ang bading ba? Pero ang sakit talaga nung nalaman ko eh. Expected ko naman na baka may bago siya eh, lagi ngang pinapaalala ni Kristoff that 3 years is too long but then iba padin kung ikaw na mismo ang naka saksi. Bat ba kasi ang tanga tanga ko noon. Naiinis ako sa sarili ko.



Tama talaga ang kasabihan na nasa huli ang pagsisisi. We just taken for granted the things we have before and we'll just realize its worth after it's gone. I heaved a sigh dahil sa realization na yun.



"No! Sasamahan mo ako ngayon kaya mag ayos kana. I'll be waiting. Bye!" yun lang at binaba na niya ang phone.




I sighed again heavenwards. Nagiging bratt na talaga si Feby. Nakuha na niya ang ugali ni Candice dati. It seems like nagpalit sila nang ugali. Si Candice na ngayon ang mahinhin at si Feby na ang pasaway.



Minsan nga naiisip ko, baka kami talagang apat ang dahilan kaya naging ganoon ang ugali ni Candice. Baka kami ang nakaempluwensya sa kanya katulad nang nagawa namin ngayon kay Feb. We didn't know that being over protective can push them to being a bratt.



We always do what they want us to do. We always give them favor at palagi namin silang hindi natitiis. Being too much is really dangerous.




Wala naman na akong magagawa pa kaya tumayo na ako at nag ayos. Ilang sandali lang ay natapos na ako at agad na bumaba. Naabutan ko naman si Feby na prenteng nakaupo sa lobby habang nagbabasa nang magazine.




"Hey!" tawag ko sa kanya. Agad naman niyang iniangat ang ulo niya at ngumiti nang makita ako.




"Akala ko makikipagpatigasan ka pa sa akin eh." panunukso niya pa then smiled widely.





"Alam ko namang kukulitin mo lang ako nang kukulitin." I glared at her pero nginitian niya lang ako lalo. "Don't use that trick on me." yun lang at nagpatiuna na akong maglakad.




Agad naman siyang humabol at pinulupot ang braso niya sa braso ko. Napatingin nalang ako sa kanya at napailing iling habang nakangiti.




"Bakit parang wala ka sa mood kanina?" puna niya nang nasa byahe na kami. "Nung nakaraan pa yan pag-uwi mo galing sa airport ah. May nangyari ba?"



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bad Boys' PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon