Chapter V: Disaster

189 8 9
                                    

-Drake's POV-


Kanina pa ako inip na inip dito. Nasan na ba kasi si Candice! Ugh!



I checked my wrist watch, 5pm. Eh 4:30 palang uwian na eh. Hanggang ngayon wala parin siya!



Napapiksi ako nang bigla nalang may kumatok sa wind shield. It was her. In-unlock ko naman ang pinto at mabilis naman siyang pumasok.



"Where have you been?!" galit na tanong ko sa kanya.



"I've been to London to visit the Queen?" nangingiting sagot niya.



"CANDICE!" I glared at her kaya napaayos siya nang upo at sumeryoso na.



"Dumaan pa kami ni Venice sa library. May assignment kasi." nakapout na sabi niya.



"Ang usapan ikaw ang maghihintay sa akin dito. Hindi yung ako ang paghihintayin mo." inis ko paring sabi.



Ayoko pa naman sa lahat yung pinaghihintay ako. Nasasayang yung oras eh.



"Oh, sorry na. Promise di na mauulit. Huh." she hold my arm and smiled at me.



Yung ang amo amo nang mukha niya. Pag ganito si Candice, hindi ko maintindihan bakit nagiging kalmado ako bigla. Yung nawawala nalang yung inis ko.



I heaved a sigh. May magagawa pa ba ako? Pasalamat siya ang cute niya. ^_^


"Lagot ka talaga pag naulit pa to." banta ko sa kanya.



"Yes sir!" sabi niya sabay saludo. Napangiti nalang tuloy ako. Haha. Kasi naman. "Uyyy, ngumiti siya." luh! nakita niya?



"Anong ngumiti? Hindi kaya." tanggi ko naman.



"Asus..kunwari ka pa. Nakita ko kaya. Ayiii, kala ko nagbago na talaga ang best friend ko." she cling her arms on mine.



"Hindi nga kasi. Umayos ka!"



"Iiihhh, smile na yan." hinawakan niya pa mukha ko then forced me to smile. Kulit talaga eh.



"Candice, isa! Tumigil kana at aalis na tayo." saway ko na sa kanya. Kulit kulit kasi. Baka akala nang iba kung ano na ginagawa namin dito sa loob nang kotse. Haha.




"Basta hindi kana galit?" at nagpacute pa. Tch.



"Hindi na nga. Wag mo lang uulitin."



"Oo na nga po." she said then kissed me quickly sa cheeks.


Kunot ang noong tiningnan ko naman siya na naka all out smile pa. Napailing-iling nalang ako then started the car engine.


---


"Bakit parang umiba daan natin?" nagtatakang tanong niya.


"You haven't eaten your lunch earlier kaya kakain na muna tayo." sagot ko habang sa daan lang ang tingin.


"I have."



"What? Yung sushi na pinulot mo sa plato ni Alex?"


"Nope. Dinalhan ako ni Alex nang food sa room kanina."



Napalingon naman ako sa kanya nang wala sa oras. Ano daw? Dinalhan siya ni Alex? Eh diba...



"Candice! Nagpaawa kana naman kay Alex ano?! Diba may rules tayo?" madilim ang ekspresyon ko.



Bad Boys' PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon