Chapter VI: Back To Normal

152 7 7
                                    

-Lester's POV-



Kumunot ang noo ko nang makita ang mga students na nagkukumpulan sa isang bahagi nang Gym.




Anong meron? Nandito pa naman ako ah. Haha.




May feeding program ba? Bigayan nang relief goods? Hindi naman siguro noh? ∩__∩




I checked my ID, nandito din naman. Pati wallet ko chineck ko rin baka 'ka ko nalaglag picture ko pero hindi rin eh.




Ano ba talagang meron? May surprise sila sakin? Naku! Nag-abala pa sila! Hindi ko naman birthday. Iba na talaga kapag gwapo! Hahaha.




"Alex anong meron?" tanong ko kagad kay Alex nang makita ko siyang papalapit sa akin.




"Aba malay ko, kita mo nang kadarating ko lang din eh." pasupladong sabi niya.




Kala mo naman sinong gwapo. Tch! Mas gwapo ako sa kanya noh!




"Kasabay ba kita? Sorry ha, hindi kasi kita napansin. Masyado akong nasilaw sa sarili kong kagwapohan. HAHAHA." humalakhak pa ako pagkatapos. Nakita ko naman ang pag-iling niya.




"Madalas hindi na ako naniniwalang kapatid kita."




"Ako nga rin eh. Sa gwapo kong to, kapatid kita? Akalain mo yun. Tsk!"




"Mahiya ka nga sa balat mo Lester!" galit na sabi niya. Anong problema niya sa balat ko? Porque maputi siya? Tss.




"Hindi kaya may scandal ka Alex?! Hala!" biglang sabi ko sabay tiningnan ko pa siya nang gulat na gulat. Nakatikim tuloy ako nang isang malutong na batok. Harsh! Nagjojoke lang eh. Tss. Pasalamat siya di ako pumapatol sa matatanda. :P




"Tumahimik ka Lester kung wala kang magandang sasabihin." banta pa niya sakin bago umalis.




Di nalang ako sumagot pa at sumunod na rin papunta sa kumpulan para makuha ko na yung picture ko, este malaman ko na pala kung anong meron. Hahaha.




"Siya ang nauna Drake." narinig kong sigaw nang isang babae nang makalapit na ako.




Hindi ako pwedeng magkamali, boses ni Scarlette yun. Kahit pa garalgal ang boses dahil sa pag-iyak alam kung siya yun. Araw araw ba naman kaming salubungin nang mabaho niyang hininga, I mean, nang boses niya eh. ^__^V



"I saw you pulled her hair first Scarlette!" boses ni Drake. Hala! May away? Pulled her hair daw eh!



"Siya nga ang nauna! Bakit ba siya ang kinakampihan niyo ha?!"



Mula sa kumpulan ay nakita kong lumabas si Kristoff akay si Candice. Nakayakap pa talaga siya kay Candice ha. May something kaya sa kanila? Ayiii... Tutuklasin natin yan sa 'Scene Of the Crime Operatives'! Mwahaha. Joke lang ulit. Haha. Caring lang talaga si Tope kay Bruhilda. ~^O^~



Pero teka...kung may away tapos kino-comfort ni Tope si Bruhilda. Ibig sabihin, nag-away si Scarlette at Bruhilda?!




Teka lang ulit...PRINSESA namin ang Bruhildang yun eh tapos sinabunutan ni Scarlette?! Who gave her the authority?! Nuks english yun! Hahaha.




Dali dali akong nakipaggitgitan sa mga estudyante para sugurin si Scarlette. Walang sino man ang maaaring manakit sa Prinsesa namin! Wala na akong pakialam sa rules na sinabi namin kay Camdice. Ibang usapan na yung sinaktan siya. Nasa may unahan na ako at lalapit na sana nang magsalita ulit si Drake.




Bad Boys' PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon