Chapter XI: Pla....NO!!!

151 7 5
                                    

-Lester's POV-




Pambihira naman itong si Drake, ang akala ko pa naman ay sabay kaming tatlo na kakamustahin si Candice yun pala may date siya. Tch! Inuna pa talaga yung date niya kesa kay Candice.





I know I said harsh words kanina but deep inside nag-aalala din naman ako sa lukaret na babaeng yun. Hindi sakitin si Candice at usually kapag nagkakasakit ay malala. Kanina pa nga ako wala sa sarili dahil sa kaiisip nang kalagayan niya.





"Ano? Tutunganga ka nalang ba diyan? Aalis na 'ko." napatingin naman ako nang masama kay Alex na kunot noong nakatunghay sa akin habang nakasabit ang isang strap nang backpack sa balikat niya.





"Hindi mo ba nahahalatang nag eemote pa ako? Seryoso ako eh. Alam mo yun. Minsan lang binibigay ang ganitong pagkakataon sa character ko tapos inunsiyame mo pa. Tsss!" litanya ko na lalong ikinakunot nang noo niya.





"Pinagsasabi mo?"




"Wala! Sabi ko ang gwapo gwapo ko! HAHAHA. Tara na at baka hindi na natin maabutang buhay ang bruhildang yun." mabilis na akong tumayo at naunang maglakad. Ayoko na kasi marinig ang mga sasabihin ni Alex. Puro lang naman sermon ang mga yun. Nakakasawa na.





Habang papalapit sa intersection nang hallway papunta sa namja at yoja building ay nakita ko si Venice na hindi na makita ang mukha sa taas nang librong dala dala.





Paano ko nalamang siya yun eh hindi ko naman makita mukha niya? Haha. Siya lang naman po kasi ang laging may dalang ganun kataas na mga libro.





"Ang lakas mo naman sa liit mong yan Venice. Imagine, kaya mong dalhin ang mga yan?" sabi ko nang magtagpo kami sa intersection.





Imbes na sagutin ako ay nakita kong lumampas ang tingin niya sakin kaya napatingin narin ako sa tinitingnan niya. A naughty smile formed on my lips.





I moved closer to her at bumulong sa kanya.




"Crush mo kuya ko noh?" I said at nakita ko ang biglang pamumula nang tenga niya. Haha. Ang cute! Imbes na mukha, tenga yung namula sa kanya.





"A-anong c-crush! H-hindi ah! Hindi noh!" mariing tanggi niya sabay wagayway nang kamay kaya nahulog ang mga dala dala niyang libro. Mabilis naman niyang pinulot ang mga libro at dahil mabait ako tinulungan ko siya. Hehe.




"I can read minds you know. Matagal mo nang gusto ang kuya ko. Wag kang mag-alala gusto karin nun." patuloy kong panunukso habang tinutulungan siya.





"T-tumigil ka nga Lester. H-hindi nga sabi!" tanggi parin niya.





"Natatandaan mo pa ba nung sinabi ni Kristoff na liligawan ka niya?"





"Hindi niya ako niligawan. Kilala mo ang kaibigan mong yun. Kahit sino sinasabihan niya nang ganun pero hindi naman seryoso." tumingin pa siya sakin saglit.





"I know." nagkibit balikat pa ako. "Pero alam mo bang pinagbantaan ni Kuya si Tope na wag kang isama sa listahan nang mga babae niya?" I smiled widely nang bigla siyang napatingin sa akin nang namimilog ang mga mata.





"Lester I told you to stop! Hindi ko gusto ang kuya mo at hindi niya ako gusto! Sa itsura kong to?"





"What's wrong with your face?" napulot na namin ang lahat nang libro at tumayo na ulit.





Bad Boys' PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon