Taehyung's POV
Hala shet. Tsk tangna talaga. Nakalimutan ko yung bag ko sa room, lunch nga pala.
"Hay nako Taehyung. Feeling highschool ka nanaman."
"Nakaka-miss nga maging highschool eh. Sinisilayan lang kita noon eh."
"Tss."
Tss. Namumula naman sya. HAHAHA. Ang cute ni Irene.
Bumalik kaming room at kinuha yung bag ko. Next subject pala neto di na kami magkaklase.
Nagpunta na kaming canteen at nandun na rin yung buong tropa.
"Sa wakas! Nandito na ang mga pa-VIP!" reklamo ni Jin hyung.
"Oh tara na! Tara na! Umorder na tayo!" sigaw ni Hoseok. Tss. Di kami bingi.
Sila na bahalang umorder uupo na lang ako dito.
Ang naiwan lang sa table ay sina Jimin, Wendy, Ako, Irene, Suga hyung at Seulgi. Oh wow. Puro couple. Sayang wala Namjin. Hays.
Kami nga lang nila Jimin, Wendy, at Irene yung nagsasalita eh. Nakakaamoy ako ng LQ. Tinadyakan ko naman sa ilalim ng mesa si Jimin, naamoy nya rin yung naaamoy ko kaya naman.
"Oy Taehyung. Tulungan natin sila hyung don!"
"Oo nga tara na."
Bigla namang nag-salita si Wendy.
"Alam mo Irene nauuhaw ako. Bili tayo!"
"Ako din eh. Tara."
Iniwan namin sila dun. Bahala sila.
Pinuntahan namin sila hyung doon sa counter at ginulat.
"Mga punyeta kayo! Pano na lang kapag nahulog tong mga to?!"
"Chill ka lang Jin hyung ehuehue."
"Chill ampots."
Bumalik na kami sa table namin. Pero tahimik parin. Ano ba yan. Sayang yung effort ko ah.
Kumain na kami ng kumain. Pero sa pagitan nila Suga hyung at Seulgi, parang biyernes santo. Uy sorna.
"Tangina Taehyung tubig ko yan eh!"
"Weh? Sayo ba to? Akala ko akin hehehe."
"EWW! INDIRECT KISS!" sigaw nina Jimin at Hoseok.
Ay hala. Naniniwala pa naman ako dun.
Pagkatapos naming kumain tumambay muna kami sa gym. Ayun sila Hoseok sumasayaw ng Hot Pink.
Ang sarap tumambay dito. Sariwa yung hangin tyaka tahimik bukod samen na nag-iingay.
"Hoy tama na nga yan. Ang babakla nyo." sita ni Jin hyung kela Hoseok.
"Wow naman Jin hyung. Hiyang-hiya naman ako sayo."
"Bwiset kang kabayo ka." sabay bato ni Jin hyung ng pamaypay na pink.
Nakahiga lang ako dito sa tabi ni Irene at inaantok na ako. Di pwedeng matulog may next subject pa eh.
"Hoy Taehyung para kang gago. Matutulog ka ba? O baka naman pipikit lang?"
"Matutulog."
Napa-face palm na lang si Irene. Ang cute nya talaga.
"Taehyung. Seryoso ka ba talaga sa panliligaw mo saken?"
"Oo naman."
"Eh pano kapag binasted kita?"
"Madami pang oras Joohyun ok?"
Naagaw ang atensyon namin sa babaeng binubully sa gitna ng court.
Ano ba yan attetion seeker -,-. Nagmomoment kami dito ni Irene eh.
Irene's POV
May sasabihin pa sana ako kay Taehyung ng biglang umepal yung babaeng yun. Tss.
Binubully lang naman sya pero wala kaming pake.
De jk lang.
"Tutulungan ba natin?" tanong ni Namjoon.
"Wag na. Katamad eh." sagot naman ni Yoongi. Hays buti pa tong gilagid na to.
Nagulat ako ng biglang tumayo si Taehyung at pumunta sa babae.
LIKE WTF ARE YOU DOING KIM TAEHYUNG?!
WOW ENGLISH.
Pero takte lang.
BAKIT NYA?! OH MY GHAD.
Iniwan nila yung babae at natira dun si Taehyung at yung punyetang babaeng yun. Higad tsk.
Nawalan ng malay yung babae at buhat buhat sya ni Taehyung. Ayos naman. Mga galawan ah tsk.
"Dadalhin ko muna sya sa clinic. Nawalan ng malay eh."
"Sasamahan na kita Taehyung." presente ni Jimin.
"Geh tara. Ihatid nyo na lang si babe. Sorry babe."
Inirapan ko lang sya.
Aba tangina nya ah.
"Bahala ka sa buhay mo! Jiminyeta ka talaga!" sigaw ni Wendy.
Tss. Napaka-higad ng babaeng yun ah. Mag-sama sila!
Hay nako tangina nya talaga inuna pa yung babaeng yun! Huh. Mauuna akong uuwi mamaya.
De jk lang. Syempre papahatid ako.
DISMISSAL.
"Tangina naman ng bwisit na yun ang tagal!" reklamo ni Jin dito.
Kaninang 3:00 pm pa ang uwian at 3:30 na wala parin sya dito. NASAN BA SYA?!
Omg. May padating na mga bwiset.
"Oh? Bakit mo naman kasama yan?" pag-tataray ni Jin. Go lang Jin. Tarayan mo pa!
"Kelangan ko syang ihatid sa kanila eh."
ABA.
"Wala ba syang paa?" tanong ni Seulgi kay Taehyung. OO NGA NAMAN.
"Di kase makalakad yung kabila nyang paa eh. Wala ring magsusundo sa kanya. Kaya ako na muna." sus. Ulol.
"Eh baka naman kase laland-" tinakpan agad ni Jimin yung bunganga ni Wendy.
Tinignan kong mabuti yung babae. Chararat. De jk lang.
Baka naman umaarte lang sya?!
"Babe sorry. Babawi ako pramis."
"Tss. Puro ka pramis. Tara na nga Wendy!" sabay hila ko sa bag ni Wendy at lumabas.
Bahala na sya dyan. Di ba nya naisip na may naghihintay na sa kanya?!
Tyaka infairness naman sa higad na yun, di ba sya marunong makiramdan na may nililigawan yung tao?! Hays bwiset.
Bahala sila. Mga pakshet.
******
Sorna kung matagal HAHAHA.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You [DISCONTINUED]
Fanfictionyes, it was so insane to love him. 2015.