III

789 73 44
                                    

Araw ng linggo. Araw ng pagpapahinga para sa karamihan subalit pagdating sa mga doktor na gaya ni Kristin ay katulad lang din ito ng Lunes hanggang Sabado. Bilang isang doktor ay halos wala itong oras para sa pagpapahinga o bakasyon dahil obligasyon niyang i-monitor at alamin ang kalagayan ng bawat pasyente. Kung sasadyain naman ay magagawa niyang lumiban pansamantala, may mapagbibilinan siyang sekretarya at nurse, may hahalili ring doktor kapag kinakailangan. Ngunit wala talaga sa ugali ni Kristin ang lumiban sa trabaho at ipagkatiwala ang mga pasyente at kliyente sa iba.

Sa ngayon ay nakatengga siya sa kanyang opisina. Abala sa pagbabasa ng kaso ng isang pasyente habang naghihintay kung may magpakonsulta man o magpareseta sa kanya. Mag-isa lang din niya ngayon dahil day-off ng sekretaryang si Fely.

Nawala siya sa konsentrasyon sa pagbabasa nang marinig ang marahang pagbukas ng pinto. Aware siyang may taong gustong pumasok ngunit ‘di niya inalis ang tingin sa hawak na chart at nananatili pa rin sa dating ayos.

"Uhm... Doktora Kristin Revo?" Nag-aalangang boses mula sa isang babaeng nakatayo ngayon sa kalahating bukas na pintuan.

Nang magsalita ang dumating ay saka lang nag-angat ng ulo si Kristin upang tingnan ito kasabay ng pagbabalik sa ayos ng mga papel na binabasa.

Isang babaeng kapigura sa taas at pangangatawan ang pumasok. Mukhang hindi rin sila nagkakalayo ng edad. Nakasuot ng puting tee shirt na napapaibabawan ng hindi nakabutones na long sleeve button-shirt at simpleng maong na pantalon naman ang pang-ibaba. Halatang may dugong banyaga dahil sa tangos ng ilong at kulay asul na mga mata. Hindi maayos na nakatirintas patagilid ang kulay tsokolate nitong buhok at walang ibang burloloy sa katawan maliban sa suot nitong pilak na relos sa kaliwang pulsuhan.

Inalis ni Kristin ang salamin at pekeng ngumiti. "Yes? How may I help you?" Friendly niyang approach rito.

Marahang lumapit ang babae. "Uhm... Doc." Tila nag-aalangan ulit nitong sabi. "Ewan ko kung kailangan ko po talagang pumunta rito."

Pasimpleng inabot ni Kristin ang isang maliit na bagay saka may pinindot roon bago siya tumayo para lapitan ang babae. Recording button iyon ng surveillance camera na nakatutok sa kinaroroonan ng sofa sa kanyang klinika. Ginagawa niya iyon para i-review ang mga kaganapan tuwing meron siyang hindi maunawaan o kung meron siyang gustong balikan mula sa salaysay ng kliyente o pasyente. Minsan ay paulit-ulit niya itong pinapanood upang pag-aralan ang bawat kilos at salita ng kausap.

"Maupo ka." Iginiya ni Kristin papunta sa sofa ang babae. "Tingin ko naman alam mo na ang pangalan ko." Pagbubukas niya ng usapan. "Pwede ko bang malaman ang pangalan mo at ilang taon ka na pala?"

"Angelica Salazar. 21."

"Okay, Angelica. What would you like me to address you?" Ngunit napailing lang ang kinakausap. "Bakit?"

"'Yung mga kaibigan ko po Aika ang tawag sa'kin pero iilan lang naman po kasi ang talagang kakilala ko."

Tumango lang si Kristin. "Gano'n ba. Bakit?" Tanong ulit niya.

"Ewan ko. Actually, yun nga po yung ipinunta ko dito." Panimula ng babae. Hindi mapakali ang bawat daliri nito habang nagsasalita. "Regarding to my behavior, sabi ng foster mom ko, I need to consult to a psychologist. Pero wala akong kilalang psychologist kaya dito nalang ako pumunta. Sa tingin ko rin kasi, mas malilinawan siguro ako because you're a highly trained physician."

"Okay Aika," Tawag niya sa nabanggit nitong nickname. "pwede bang magkuwento ka muna sandali ng tungkol sayo before heading to your main purpose why you're here? Nabanggit mo kasi na foster child ka."

"Yeah. Uhm... Lumaki ako sa god-parents ko. Nung 2 years old daw po kasi ako, namatay through car accident ang real parents ko. Both sides, walang malapit na kamag-anak ang pwedeng umako sa'kin noon. Yung real father ko po kasi is foreigner at wala siyang relatives dito. Yung real mother ko naman, nasa ibang bansa rin ang family. Kaya po nung mawala sila, napunta po ako sa custody ng mga god-parents ko which are my real mother's best friend." Kwento ng dalaga na bukod sa mga daliri ay hindi rin mapakali ang mata. "Yun ang sabi ng mga nagpalaki sa'kin." Dagdag nito.

BedlamiteWhere stories live. Discover now