V

722 67 70
                                    

"Please...Patayin niyo na lang ako." Pagmamakaawa ng dalagang nakagapos sa restraint chair.

"Hindi ako basta pumapatay," Nakangiting sabi ni Kristin habang sinusubuan ang dalagang ayaw naman kumain at walang ibang ginawa kundi ang umiyak at magmakaawa sa kanya. "kaya kumain ka na." Patuloy siya sa pagsubo ng kutsara sa bibig nito ngunit inihihilig lang ng dalaga ang ulo at pinipilit wag ibuka ang bibig kahit patuloy sa pag-iyak.

"Don't cry. Ma-di-dehydrate ka niyan lalo pa't buong araw ka atang di nakainom ng tubig. Nakalimutan ko kasing dalhan ka bago ako umalis. Alam mo namang maraming tumatakbo sa isip ko kaya nakakaligtaan ko ang mga 'di importante." Parang wala lang sa kanya ang naririnig na paghikbi mula sa dalaga. Tumayo siya at inilapag ang pagkain sa katabing kama.

"Simple lang naman diba?" Saad niya habang nagpapalakad-lakad sa malawak na silid na walang ibang gamit kundi isang kamang walang mga unan at kumot, isang upuan na kanina'y kinauupuan niya, trolley table, at ang restraint chair na bihag ang dalaga. "Kung susunod kayo sa utos ko, hindi sana kayo mahihirapan."

"Demonyo ka!" Umiiyak na sumbat ng dalaga kahit pa nahihirapan sa pagtaas ng boses gawa ng tuyong lalamunan. "Demonyo ka... Wala kang awa... Mas masama ka pa kay Satanas."

Napasinghal ng tawa si Kristin at muling tiningnan ang dalagang ulo at mga daliri lang sa mga kamay at paa ang kayang ikilos dahil sa higpit ng mga naka-strap sa kanyang katawan at mga binti. Ang mga brasong nasa arm rest ng kinauupuan ay naka-strap din. At ang bawat strap na bumibihag rito ay may nakalakip na combat wire kaya kung ikikilos nito ang mga katawang nakagapos ay masasaktan lang ito dahil guguhit sa kanyang balat ang mga blade ng wire. Kaya kahit tangkain man nitong tumakas ay di nito magawa dahil sa sitwasyon.

"Ako demonyo?" Natatawang turo ni Kristin sa sarili. Lumapit siya sa dalaga at huminto sa harap nito. "At ikaw? Ano ka–I mean kayo, sa tingin mo? Tao?" Hinila niya ang stainless steel na upuan at itinapat sa dalaga. Umupo siya rito. Ngayon ay malaya siyang tingnan ng dalaga dahil magkaharap silang dalawa.

"Let me share you my thoughts." Panimula niya. "Base on my observations, mas hayop pa ang mga taong gaya niyo kesa sa mga literal na hayop. Bakit? Nakakita ka na ba ng bakang nang-rape ng kalabaw? May aso bang namolestya ng tuta? May lalakeng ibon bang nambuso ng babaeng ibon? May koala bang nagma-masturbate? May manok bang gumahasa ng patay na manok? May baboy na nakipagtalik sa dalawa o higit pang mga baboy? Nakikipagtalik ba ang kabayo sa ibang mga species?"

Sinamaan lang siya ng tingin ng dalagang humihikbi na lang ngayon.

"Eh kayong mga tao? Hindi na bago sa news ang mga rapist mapa-adik o hindi, 'di ba? Tatay na ginagahasa ang sariling anak. Naturingang pari ng simbahan na namolestiya ng bata. Pagpapaligaya ng sarili sa pamamagitan ng masturbation. Gumagahasa ng kahit na patay. And human being is the only specie I know who are performing threesome, foursome or even more. At mas malala, 'yong pakikipagtalik ng iba sa hayop. Ang baboy 'di ba?"

Mataman lang na nakatingin sa kanya ang dalaga at walang imik kun’di hikbi.

"Alam mo bang si Satanas o Lucifer ang pinaka-wise creature na ginawa ng Panginoon? No other angel, no other being was created with the intelligence that God gave to this creature." Tumayo siya. "I'm like Lucifer. I have wisdom, beauty, ability, and yet I want more. I want to be worshiped like God."

"Kaya mo ba kami pinaparusahan sa mga kasalanan namin?" Lakas loob na kwestiyon ng dalaga. "You don't deserve to be worship. You don't have the right to punish us for our sins. You're not God!"

Binalewala lang ni Kristin ang mga sinabi nito. "At kayong mga tao naman, according to Darwin's theory galing daw kayo sa mga unggoy. Kung totoo man 'yon, ibig sabihin galing talaga ang tao sa hayop. Pero gaya nga ng sinabi ko kanina, mas hayop pa kayo sa mga hayop."

BedlamiteWhere stories live. Discover now