IX

613 57 9
                                    

Habang pinagmamasdan ngayon ni Kristin ang locket ni Dara sa eskaparate ng kanyang mga koleksyon ay muling nanumbalik sa kanyang isipan kung paano niya ito balatan at tanggalan ng mga lamang loob, kung paano iyon gilingin ng meat grinder at kung paano naglalaho tuwing ifa-flush niya sa toilet ang durog na mga bahagi ng katawan mula sa dalaga. Ang mga buto naman ay kanyang ibinaon sa lupa na ipinahukay pa sa hardenerong ipinapatawag lang tuwing kinakailangan.

"Pagkatapos niyo po diyan, pwede po bang gumawa kayo ng maliit na compost pit rito?" Turo ni Kristin sa malaking flower plot na wala pang gaanong nakatanim na halaman. "Maliit lang po pero laliman niyo. Paglalagyan ko lang ng nabubulok na basura. Sayang din kasing gawing pataba kesa makadagdag pa sa basura."

"Ah sige ma'am."

"Tapos 'pag okay na, tawagan ko ulit kayo para takpan ng bermuda at lagyan ng bagong mga halaman."

Nakagayak na si Kristin papunta sa trabaho at akma na sanang lalabas ng bahay nang may biglang nag-doorbell.

Natigilan siya at nagtungo sa kinaroroonan ng intercom. Pamilyar sa kanya ang isang mukha na nakita mula sa maliit na monitor.

Ibinaba niya ang dalang bag sa sofa bago lumabas patungo sa kinaroroonan ng dambuhalang gate. Habang naglalakad palapit ay itinapat niya roon ang ilaw ng mala-laser pen na bagay at dahan-dahang bumukas iyon.

"Yes sir?" "Good morning doc."
Halos magkasabay nilang bati sa isa't isa.

Tatlong kalalakihan mula sa magkakaibang edad ang nasa labas. Kagaya ng bumati sa kanya ay pamilyar din ang lalaking nasa kaliwa.

Naalala niya ang dalawa bilang mga pulis na naka-usap kahapon tungkol sa pang-iimbestiga sa pagkamatay ni Paul.

"Ikaw ulit doc." Ngisi ng nangungunang lalaki na pinapagitnaan ng isang de-unipormeng pulis at binatang naka-sibilyan. "Pasensiya kung maaabala ka na naman."

"I'm about to leave, but it's okay." Ngiti niya. "Ano ho ba ang kailangan ninyo?" Napatingin siya sa binatang nasa kanan. Mukhang pamilyar din ito sa kanya ngunit hindi niya maalala kung saan at kailan niya ito nakadaupang palad o nakita kung saan man.

"By the way, kung naalala niyo, ako si inspector Jose Armani at ito naman si PO4 Jerry Sandoval." Pakilala ng nangungunang lalaki sa gitna.

"Yeah, I remember." Patango tangong sabi ni Kristin. "Kayo 'yong may hawak ng case no'ng medical practitioner na namatay sa hospital namin."

"Precisely doc." Ngiti ng kausap na nagpakilalang inspektor. "Pero hindi tungkol kay Mr. Manansala ang ipinunta namin rito ngayon." Inakbayan nito ang lalaking hindi naipakilala kanina. "This is Daryll Gomez. He lifted an alarm about her missing twin-sister. Mag-iisang buwan na daw nawawala. At sa ngayon nga'y ako rin ang may hawak sa imbestigasyon ng pagkawala ni Miss Gomez. At bilang isa ka sa may koneksyon sa missing person dahil ikaw daw ang physician niya, kasali ka sa mga hihingan namin ng tanong." Paliwanag nito.

"Ah okay." Tugon ni Kristin. "I remember Dara. She's a client of mine."

Tumango tango lang ang inspektor. Ang kasama naman nitong pulis ang responsable sa pagsusulat ng mga detalyeng nagmumula kay Kristin.

"Kailan at saan kayo huling nagkita o nagkausap ni Ms. Gomez?" Panimulang tanong ng inspektor.

"Uhm, more than a month." Kunwari ring inaalala pa talaga ni Kristin kung kailan nga. "Sa clinic ko."

"Will you please state the specific date, doc Kristin?" Hiling ng nagsusulat na pulis.

"Hindi ko eksaktong matandaan ang petsa pero may record siya no'ng huling counseling ko sa kanya. Nando'n 'yong mismong time and date." Sagot niya.

BedlamiteWhere stories live. Discover now