XV

472 38 1
                                    

"Here." Iniabot ni Kristin ang tasa ng tsaa nang magising si Aleah na siya naman nitong tinanggap ngunit hindi sumimsim.

Kasalukuyan itong nakaupo sa sofa. Sa tulong ng isang lalaking nurse na napadaan sa gawi nila kanina kaya ito naidala sa loob ng opisina ni Kristin.

"Anong nararamdaman mo? Masakit ba'ng ulo mo?" Tanong niya at naupo sa tabi nito.

"Doktora ka." Sambit ni Aleah habang inosenteng nakatitig kay Kristin. "H-hindi ka intern. Doktora ka. At Psychiatrist."

"Yes." Casual na sagot ni Kristin. "Pasensya na kung kinailangan kong magkunwaring int-"

"M-matutulungan mo 'ko. Isa kang Psychiatrist. T-tulungan mo 'ko." Bakas ang pagmamadali sa pananalita nito at mukha na namang nababahala na para bang may kinatatakutang mangyari anumang oras.

"Inumin mo yang binigay ko. It's a chamomile tea. Makakatulong para kumalma ka."

"K-kilangan kong maipaliwanag lahat sa'yo b-bago may ibang lumabas."

"Naiintindihan kita pero tulungan mo ang sarili mo. At isa pa, wag kang mabahala. Hindi naman lalabas ang isang split personality kung hindi kinakailangan." Marahang itinulak ni Kristin ang tasang hawak ni Aleah palapit sa bibig nito. "Wag kang mag-panic. Kumalma ka lang."

Hindi na ito nakatanggi at napilitang sumimsim sa inumin.

"Alam m-mong m-may multiple personalities ako." Saad nito, muling ipinatong ang tasa sa platito at inilagay sa centre table.

"At ikaw? Alam mo?" Tanong ni Kristin. Tumango lang ang kausap. "Hindi Boarderline Personality Disorder?"

Umiling-iling ito. "W-wala akong gano'n." Sagot nito. "H-hindi kami kayang tulungan ni Dr. Martin d-dahil may s-sarili din siyang issue sa buhay na, na nadadala niya hanggang trabaho kaya h-hinahayaan ko na lang siya sa...sa mga sessions namin noon." Muli itong napailing ng ulo. "H-hindi niya 'ko kayang i-handle. At k-kadalasan, s-si Haque ang nakakaharap niya sa bawat psychotherapy k-kaya inakala niyang maayos na ako."

"Okay." Mahinang tugon ni Kristin. "Wala ka na bang ibang doktor o naging doktor maliban sa kanya?" Pag-iling ulit ng ulo ang naging sagot ni Aleah. "Pa'no ka nakasigurong may MPD ka?"

"Nasa medical field ako. Aware ako sa...sa gano'ng k-kalagayan." Sagot nito. "Nai-consider kong meron akong ibang persona, k-kasi madalas kong maramdaman ang dissociation at... at nasasaksihan ko mismo ang ilang mga n-nangyayari lalo k-kapag si Ali ang nasa labas."

"Si Ali? At sino si Ali?" Tanong ni Kristin. Inabot niya sa centre table ang nakahandang chart at kumuha ng panulat mula sa bulsa ng suot na coat.

"Isa p-po sa mga split personalities ko."

"Pwede ko bang malaman kung anong klaseng personality si Ali?"

"S-siyam na taon po siya. Lalaki. Matalino." Pagbibigay-alam nito. "Siya lang ang kumbaga kakampi ko k-kumpara sa lahat ng split personality ko."

"At bakit mo nasabing kakampi siya?"

"K-kasi nakikinig at sumusunod s-siya sa akin. May usapan nga k-kami na siya ang mag-ano... Uhm, mag-take note kung sino ang nasa labas. Siya kasi... m-mas nakikita niya ang nangyayari maski sino ang nasa labas. Kaya ko nga n-nalaman na si Haque ang kadalasang nakakaharap ni Dr. Martin sa bawat psychotheraphy d-dahil do'n."

Naalala ni Kristin ang pocket journal na galing sa locker ni Aleah. Tumayo siya upang kunin iyon. Sinundan lang siya ng tingin ni Aleah hanggang sa makabalik sa tabi nito dala ang bagay na iyon.

"Ito ba?" Tanong ni Kristin nang ipakita rito ang maliit na kwaderno.

Tumango-tango si Aleah at kinuha iyon sa kamay ni Kristin. Kapansin-pansin ang panginginig ng kamay nito habang binubuklat ang bawat pahina.

BedlamiteWhere stories live. Discover now