XI

577 51 4
                                    

"So, you mean, meron pa ring ibang kamag-anak itong Elizabeth na 'to sa Pilipinas?" Tanong ni Kristin sa kausap ngayong Private Investigator na si Nathaniel Daddario.

"Yes. Meron siyang isang kapatid. Pero hindi siya nag-i-steady dito sa Pilipinas." May inilabas itong papel mula sa dalang envelope. "Ito siya," itinuro nito ang pangalang nakasulat sa papel na may nakalakip pang litrato mula sa postal I.D. "Maswerteng narito siya sa bansa ngayon kasama ang asawa't anak para magbakasyon. Kaya pinuntahan ko mismo para makapagtanong. Sa kanya na mismo nanggaling na magkapatid nga sila nitong pinapaimbestigahan mo."

"Natanong mo ba kung may koneksyon o alam pa siya sa kapatid?"

Tumango-tango ang lalaki. "Base sa detalyeng binigay niya dual citizen sila. May dugong espanya ang mga Estialbo kasi nakapangasawa ng taga-espanya ang ina nila." Ani ng lalaki.
"Itong si Elizabeth, dayuhan din ang napangasawa. Taga-Austria. May dalawang anak na babae. Marian at Rian. Sa England sila nanirahan noon. Ten years ago, namatay 'yong asawang lalaki kaya umuwi ang mag-iina sa Pilipinas para raw makalimot, hanggang sa dito na nila napagdesisyunang manirahan. Ang source of income nila ay galing pa sa naiwang pamana ng padre de pamilya at ang successful business ni Elizabeth dito sa Pilipinas."

"Okay. 'Yong tungkol sa mga anak niya ang gusto kong malaman." Saad ni Kristin.

"Ang detalyeng nakuha ko lang ay matagal ng wala sa poder ni Elizabeth ang panganay niyang si Marian. At the age of 19 kasi ay lumayas ito at hindi na raw bumalik. Sa ngayon, 23 na itong si Marian. 'Yong pangalawang anak naman na si Rian, namatay sa car accident, two years ago. 11 years-old siya no'n."

"May nakuha ka bang pictures nila?"

Inilabas ni Nathaniel ang cellphone para ipakita kay Kristin ang kinuhang litrato mula sa isang larawan. "Walang maibigay na recent picture 'yong kapatid niya kasi madalang na lang daw silang magkita at dahil na rin matagal ng wala si Marian." Kinuha ni Kristin ang iniabot na cellphone ng lalaki. "Yang nakikita mo ngayon, galing sa family picture ng mga Estialbo-Henson. 10 years ago pa yan, no'ng buhay pa 'yong lalaki. Si Marian daw 'yong blonde diyan at si Rian naman 'yong buhat-buhat ng daddy nila ta's si Mrs. Elizabeth 'yong nasa tabi niya." Paliwanag nito.

Pinagmasdang mabuti ni Kristin ang dalagita sa larawan na blonde ang buhok. Parang nakita na niya ito ngunit hindi niya matandaan kung kailan at kung saan.

Ang larawan ay kuha pa sampung taon na ang nakalipas. Ibig sabihin, kung 23 na ngayon si Marian, 13 pa lang siya noon sa picture.

At dahil sa pagtitig sa family picture ng pasyente ay bigla ulit may pumasok na munting alaala sa isipan ni Kristin.

Ibinalik na niya ang cellphone sa may-ari kasabay ng pagwaksi sa memoryang naglalaro sa kanyang isip ngayon.

~~~~~

"Oh, someone's preggy. Aye?" Tanong ni Haque nang maabutan si Kristin sa comfort room na dumuduwal sa lababo.

Binuksan ni Kristin ang faucet para maghilamos ng bibig kahit na wala din naman siyang isinuka dahil hindi pa siya kumakain mula kanina.

"If that so, I guess I'm the next virgin Mary." Walang tinging sabi ni Kristin habang pinupunasan ngayon ng tissue ang bibig pagkatapos ay ang basang kamay.

Napatingin siya sa kaliwa kung nasaan ngayong nagli-lipstick si Haque. Napakunot siya ng noo dahil mukhang iba ang ayos nito ngayon kumpara sa dati na madalas niyang makitang nakatirintas lang ang buhok nito at walang kahit anumang kolorete sa mukha.

"Parte pa rin ba'yan ng plano?"

Saktong tapos na sa ginagawa ang babae kaya napatingin ito sa kanya. "Ha?" Nagtatakang tanong nito.

BedlamiteWhere stories live. Discover now