IV

705 68 45
                                    

Hindi na hinintay pa ni Kristin ang gabi. Agad na siyang umuwi pagkatapos mag-rounds sa psychiatric ward.

Pagkagarahe ng sasakyan ay nagtungo siya sa likod ng kanyang bahay upang magtungo sa swimming pool. Isa-isa niyang inalis ang mga suot sa katawan habang naglalakad sa malawak niyang lawn. Dalawang piraso ng tela na lang ngayon ang tumatakip sa kanyang katawan.

Effortless siyang nag-dive sa pool. Mahabang sandali bago umahon ang ulo, tila ninamnam ang katahimikan sa ilalim ng tubig.

Ilang minuto rin siyang naglibang sa paglalangoy hanggang sa magsawa at tuluyang lisanin ang pool.

Basang-basang nagtungo sa kinaroroonan ng mga tuwalya at roba na maayos na naka-pile sa tila shed na malapit sa back door ng bahay. Kumuha siya ng roba at isinuot sa basang katawan. Hindi na niya binalikan pa ang mga damit na hinubad na ngayo'y nagkalat sa bermuda grass na kanyang nilakaran kanina. Dumiretso siya sa back door.

Inilapat niya ang hinlalaki sa scanner na nasa gilid ng pintuan. Pagkailaw niyon ay saka awtomatikong bumukas ang pinto. Pagkapasok naman niya ngayon sa loob ay may pinindot siyang kombinasyon ng code sa isang dial pad na nasa kaliwang pader at nagliwanag ang lahat ng ilaw sa buong bahay.

Pagkaharap niya ay nagulat na lang siya nang may maramdamang katawan na lumapat sa kanya at mga brasong umakap sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata at agad na itinulak ang may kagagawan no'n.

"Vlad?!" Gulat niyang bulalas. "How did you get here? Kanina ka pa ba?" Walang putol niyang tanong habang palinga-linga sa paligid. "Wala ka’ng kasama?" Tanong ulit niya habang mabilisang pumindot ng code sa dial pad na pinindutan kanina. Namatay ang lahat ng ilaw maliban sa kinaroroonan nila.

"Chill, okay?" Natutuwang sambit ng lalake na tinawag niya sa pangalang Vlad. "Bakit ba parang natataranta ka?"

"I told you! Hindi ka pwedeng pumunta rito nang wala ako." Maotoridad na sabi ni Kristin.

"You know what? Lagi na lang ikaw nasusunod." Sabi ng lalaki habang himas-himas ngayon ang batok at ang isang kamay naman ay nakapamulsa. "I told you I miss you."

Hindi binigyang pansin ni Kristin ang sinabi nito. "Pa'no ka nakapasok?" Tanong ulit niya.

"Dahil sa tape."

"Tape?" Agad niyang pag-uulit.

Mahinang natawa si Vlad. "Scotch tape. Ano bang nasa isip mo? Sex tape?"

"Wala akong panahon sa pakikipagbiruan. Paano ka nakapasok dito? Fingerprint ang susi sa lahat ng lagusan at may code ang lahat ng switch ng electricity? Ano bang ginawa mo?" Tanong niya sa mas maotoridad na tono pero halata ang bahagyang panginginig ng boses dahil sa takot na mabisto sa mga bagay na lingid sa kaalaman ng iba tungkol sa kanya.

"Remember when you handed me a glass of Martini? May naiwan kang finger print do'n. No'ng nagpaalam kang aalis saglit, I duplicated your fingerprint using scotch tape. Tinago ko 'yon para gamiting makapasok dito. Gumana naman kasi nabuksan ko kaso hindi ka talaga basta-basta kasi hindi ko alam kung pa'no i-ON yung mga ilaw at ibang appliances dito." Napangiti pa ang lalake na tila ba pinagtatawanan ang sarili. "Ang dilim tuloy at ang init."

"Kanina ka pa ba dito? Akin na yang scotch tape." Demand niya.

"Hindi naman." Sagot ng lalake sa tanong ni Kristin. "Yung tape? Pa'no kung ayoko?" At saka ito ngumiti ng mapang-asar.

"Akin na Vlad." Tila nagbababalang sabi ni Kristin.

"See? Superior ka pa rin." Natatawang sabi ng lalake. "Ikaw nalang lagi nagmamanipulate ng lahat. Ikaw nalang lagi nasusunod.Parang sa kama lang." Napangisi ito. "Ikaw ang Dominant."

BedlamiteWhere stories live. Discover now