VI

733 60 37
                                    

"Kristin?"

Agad na naalimpungatan si Kristin nang may narinig na salita. "Gising ka na pala." Saad niya na waring hindi galing sa pagkakatulog. Sabay silang bumangon at isinandal ang mga likod sa sandalan ng sofa. "Good morning." Pekeng ngiti niya.

"Good morning. Anong nangyari?" Pagtataka ni Vlad nang mapuna ang posas sa kanilang mga pulso.

"Pagbalik ko, nakatulog ka na. Hindi na kita ginising kasi mukhang pagod ka."

"No. I mean this." Itinaas nito ang kamay na nakaposas kasama ang kamay ni Kristin. "Bakit tayo nakaposas?" Napahilamos pa ito ng mukha gamit ang isang kamay.

"Sinigurado ko lang na sa paggising ko nasa tabi pa rin kita." Ngiti ulit ni Kristin.

Napangiti rin ang lalakeng kanina'y pagtataka lang ang ekspresyon. "Oh. That's the sweetest thing I've heard from you." Hinawakan ng kamay nito ang kahating kaposas na kamay ni Kristin. "I think I'm loving you."

Walang naging emosyon si Kristin. "Vlad, hindi pa ba malinaw sa'yo na hanggang sa kama lang tayo? Wala akong nararamdaman sa'yo. Kailangan kong gawin 'yon para makabayad sa inyo."

Napalunok ng laway ang binata dahil sa pagkapahiya hindi sa pangre-reject ni Kristin kundi dahil sa huling sinabi niya. Naalala tuloy nito ang umpisa ng paglalaro nila ng apoy.

"So, ikaw pala 'yong isa sa mga scholar ni mama." Usisa ni Vlad nang sundan nito sa kusina si Kristin.

Matapos ang mahabang panahon ay noon lang ulit bumalik ng Pilipinas si Vladimir upang asikasuhin ang libing ng ina.

"Ako nga po sir." Sagot ng dalagang si Kristin na abala sa pagtitimpla ng kape para sa hindi inaasahang bisita. "Condolence po."

"Ikaw 'yong last scholar niya." Hindi binigyang pansin ni Vlad ang sinabing pakikiramay ni Kristin. "Ano ka na nga ulit ngayon?"

"Doktora na po."

"Oh, doctor?" Waring nang-iinsultong pag-uulit nito. "Alam mo naman sigurong hindi ka magiging ganyan kung hindi ka tinulungan ni mama?" Spanish accent ang pagkakasabi nito sa huling salita.

"Kaya nga po malaki ang utang na loob ko sa mama niyo." Walang tingin niyang sabi.

"Pa'no ka ngayon makakabayad niyan kung wala na ang pinagkakautangan mo ng loob? Parang ang swerte mo naman ata?" Lumapit ito kay Kristin at kinuha ang isang tasang kape na katatapos lang timplahin. "Wala ng libre ngayon." Sabi nito matapos sumimsim sa mainit na inumin.

"Parang ako 'yong talo sa inumpisahan kong laro." Natatawa at napapailing na sabi ni Vlad nang magbalik sa kasalukuyan. "I'm starting to have feelings for you."

"Hindi totoo 'yan." Sagot naman ni Kristin habang sinususihan ang posas. "Natutuwa ka lang sa'kin kasi napupunan ko ang gusto." Bumalik siya sa pagkakasandal matapos kalasin ang posas sa kanila.

"No." Usal ng lalake. "Hinahanap-hanap na kita without thinking about... it." Tukoy nito sa nakagawiang pag-uulayaw. "Actually, I came here to see you, not to fuck with you."

Umalis si Kristin mula sa sofa para kunin ang kaha ng sigarilyo at ash tray na nasa centre table at saka umupo sa pang-isahang sofa. Ipinatong niya ang ash tray sa armrest at inilabas ang maliit na lighter mula sa bulsa. "How can you prove that your statement is true?" Sabi niya matapos magsindi ng sigarilyo.

"That one time I called you over the phone and said that I miss you? That's true. I mean it."

"At sinabi mong nami-miss mo rin ang blindfold, handcuffs, mga tali." Dagdag ni Kristin matapos ibuga ang usok mula sa hinithit na sigarilyo. Nakatitig siya sa kisame habang naninigarilyo at nakikipag-usap. "Hindi ako ang nami-miss mo. 'Yong ginagawa ko sa'yo ang nami-miss mo."

BedlamiteWhere stories live. Discover now