XIX

295 27 5
                                    

"Please, tell me she's not dead. Dal’hin mo ‘ko sa kanya. Please… Gusto ko na siyang makita ..." Pagmamakaawa ng lalaking sumasailalim ngayon ng psychological debriefing sa doktorang si Kristin.

"Buhay ang kasama mo." Sagot niya upang tumahan ang lalaki sa pagkabahala. "Maayos ang lagay niya. At pagkatapos mo dito, pwede mo na siyang puntahan."

Ipinagpatuloy ni Kristin ang pagtatanong.

"Mag-asawa kayo?" Kwestyon niya nang sabihin iyon ng lalaki. Napatingin siya sa nanginginig nitong magkasalikop na mga kamay, hinahanap ang pangunahing palatandaan ngunit wala itong suot ni kahit isang singsing.

"No'ng nagda-drive ka, hindi ka nakainom ng alak or nag-take ng antihistamine? And no offense pero hindi ka ba gumagamit ng kahit anong ipinagbabawal na gamot?"

"Hindi. Wala. Please, dalhin mo na 'ko sa kanya. Gusto ko siyang makita."

Hindi binigyang pansin ni Kristin ang pakiusap nito. "Wala ba kayong pinag-aawayan habang nagmamaneho ka?"

"Wala!" Hindi napigilang sigaw ng lalaki at napakuyom ang mga kamao. "Bakit ba tanong ka ng tanong? Bakit ayaw mo 'kong dalhin sa kanya?"

"Naiintindihan ko kung worried ka sa sinasabi mong asawa mo pero bakit parang masyadong exaggerated para sa'kin ang mga nakikita ko?" Kwestyon ni Kristin, hindi man lang nasindak sa biglaang pagiging agresibo ng kausap.

Simula nang mapaghiwalay ang dalawa kanina dahil kinailangang dalhin ang agaw-buhay na babae sa emergency room, nasaksihan na ni Kristin ang labis at hindi akmang emosyon ng lalaki sa bawat pangyayari.

"Sir, paiinumin muna kita ng pampakalma bago natin puntahan ang asawa mo." Saad ni Kristin. "Okay lang ba sa'yo?"

"I'm fine." Huwad na napangiti ang lalaki at ang naging bahagyang pagtawa ay mistulang halakhak sa pandinig ng doktora. "I'm perfectly fine. Bakit mo 'ko kailangang pakalmahin?"

Tumango si Kristin. "Okay." Prenteng tugon niya. "Kung hindi mo gagawin, hindi mo makikita ang asawa mo." Itinuon niya ang atensyon sa bukas-sarang kamao ng ginoo. "Masyado kang intense at lalong magiging strong ang emotion mo kapag nakita mo siyang―"

Nagkandahulog-hulog ang mga papel na laman ng desk tray na nasa kamay ngayon ng kinakausap at akmang ihahampas sa kanya, ngunit bago pa niya magawang umilag ay agad namang nanghina  ang lalaki. Nabitawan nito ang hawak at napakapit sa mesa ngunit hindi iyon sapat upang pagkuhanan ng suporta. Unti-unti itong nawalan ng lakas hanggang sa hindi na makayanan at tuluyang bumagsak.

"Part of me wants to say thanks." Hindi man lang nasorpresa ang doktora nang makitang si Haque ang nasa likuran ng lalaking nakatayo kanina at ngayo'y bagsak sa sahig, unti-unting nawawalan ng malay. Dumako ang mata ni Kristin sa kaliwang kamay ng babae kung saan may hawak itong syringe. "The other part wants to ask how'd you get here and why."

"Bakit ikaw ang nag-ha-handle sa lalaking 'to?" Tanong din ni Haque habang pinagmamasdan ang tinutukoy, ipinatong pa ang isang paa sa balikat ng lalaking nakatagilid pahiga. "Hindi ba dapat sa Clinical Psychologist 'to?"

"Hindi pwede si Dr. Sison ngayon para sa psychological debriefing." Bagot na paliwanag ng doktora. "At much better na rin na Psychiatrist na lang mismo ang umasikaso sa kanya." Tukoy niya sa lalakeng wala ng malay.

Napasinghal si Haque at lalong idiniin ang pagkakaapak sa balikat ng lalake. "Dapat no'ng unang kita mo pa lang dito, alam mo ng he's mentally unstable. Diba, it takes one to know one?"

"Anong kailangan mo?" Wala ng ligoy na tanong ni Kristin.

"May mga pulis na dumating kanina dito galing sa car accident kung saan involve 'tong lalaking 'to at 'yong kasama niyang nasa ICU na ngayon."

BedlamiteWhere stories live. Discover now