VIII

593 52 14
                                    

"Kisa..."

Tanging ang pagtawag sa ngalang iyon ang naririnig ni Kristin mula sa kawalan, galing sa iba't ibang boses.

Ngunit napalitan ang mga boses ng mga tunog ng ganap na kaguluhan at pagtawa mula ulit sa kawalan kasabay ng paglipad ng itim na telang minsang naging panakip sa kanyang paningin.

Napabalikwas si Kristin na habol-habol ang hininga. Mabilis ang kabog ng dibdid at kahit pa malamig sa loob ng kanyang kwarto dahil sa aircon ay labis ang paglabas ng malamig na pawis mula sa kanyang noo at mga palad.

Napatingin siya sa maliit na orasang nasa ibabaw ng mesa sa gilid ng kanyang kama. Eksaktong alas tres ng madaling araw. Inabot niya sa bedside table ang maliit na bote at umisod sa kaliwa upang buksan naman ang maliit na fridge at kumuha roon ng tubig na nasa tumbler. Naglabas ng isang tableta mula sa maliit na bote para inumin saka lumagok sa tubig na para bang uhaw na uhaw dahil sa sobrang pagkapagod.

Inilagay niya ang pinag-inumang tumbler sa ibabaw ng fridge at bumalik sa pagkakahiga ngunit hindi na muling ipinikit pa ang mga mata. Tuwid ang kanyang higa at ang mga kamao ay nakakuyom habang hindi inaalis ang paningin sa kinatatapatang kisame.

May tumulong luha mula sa gilid ng kanyang mata sa kabila ng pagiging blangko ng kanyang mukha.

Lumipas ang halos isang oras, nang mapagtanto sa sariling hindi na siya makakabalik sa pugtulog kaya niya napagpasyahang bumangon nalang mula sa kinahihigaan at nagtungo sa sekretong silid na kinalalagyan ni Dara.

"D-doc?" Tawag ng dalaga nang makarinig ng ingay mula sa nakakabaliw na katahimikan.

Binuksan ni Kristin ang ilaw at lumapit sa kinaroroonan ng dalagang nakagapos pa rin sa kinauupan at ngayon ay nakapiring pa.

"Hindi ka ba natulog?" Garalgal ang boses ni Kristin at bago iyon sa dalaga.

"Please... maawa ka sa'kin." Naiiyak na pakiusap nito dahil ang laging nasa isip ay ang pagpapahirap na gagawin sa kanya ni Kristin bago siya nito patayin. "Pakawalan mo na 'ko."

"Naaawa nga ako sa'yo kaya hindi na kita pakakawalan."

Kahit walang nakikita dahil sa pagkakapiring ay nilingon pa rin nito ang pinanggagalingan ng boses. "Bakit hindi mo na lang ako patayin?"

Naalala niya bigla si Erah. Ang dalagang dapat sana'y gagamitin niya bilang pamalit rito sa mga ipinapagawa, ngunit nagulo na naman ang kanyang mga pinaplano dahil buntis pala ang dapat sana'y pamalit.

"Gusto mo ba ng second chance?"

Umiling iling si Dara. "Kung ipapagawa mo ulit sa'kin ang mga 'yon, mabuti pang wag na lang. Nagsisisi na 'ko kaya kung pwede pakawalan mo na lang ako." Pilit niyang sabi kahit nahihirapan dahil sa tuyong lalamunan at pagpipigil ng iyak.

"Sinabi ko na sa'yong naaawa ako kaya hindi na kita pwedeng pakawalan." Tinanggal ni Kristin ang piring sa paningin ni Dara. "May malasakit pa rin ako. Hindi mo ba nakikita 'yon?" Kwestiyon niya. "Sino bang naglilinis ng dumi mo dito? Sino bang nagpapaligo, nagbibihis at nag-aayos sa'yo dito? Sino bang nagdadala ng pagkain mo? Ako 'yon 'di ba? Kayong mga tao, laging kawalan, pagkukulang at mali ang nakikita niyo."

"Baliw ka!" Matalim nitong sabi.

Umupo si Kristin sa tapat mismo ng dalaga. "Concern ako sa'yo Dara. Ayokong mabaliw ka. Kung pakakawalan kita, hindi ka na gaya ng dati. Alam ko ang magiging kahihinatnan mo." Constant ang eye-contact niya kay Dara. "Sa tagal ng pag-iisa mo dito, lagi ka pang nalilipasan ng gutom at sa lahat ng nalaman mo sa'kin, magkakaroon ka ng trauma paglabas mo. Hindi ka na magiging gaya ng dati. Hindi ko gustong mangyari 'yon sa'yo kaya hindi na kita ilalabas."

BedlamiteWhere stories live. Discover now