Chapter 1 - Friends?
Hay naku pasukan na naman, ay ako pala si Butata 14 years old at syempre ako ay single.
Pasukan na naman kailangan ko na maghanda nang aking mga gamit, kasabay ko sila Rooney, Enzo at Samanta. At simula na nga ang pasukan ako ay nakakita ng isang babae na nakakuha nang aking atensyon.
Nung una hindi ko pa siya kilala, nakilala ko na lang siya nung magkalapit kami nang upuan sa isa naming subject. At siya nga si Tamad, isang babae na maganda, cute, at magandang kasama basta maraming kang masasabi sa kaniya.
Mahilig siyang mangulit masaya siyang kausap at mahilig siya sa mga bagay na.... weird?
"Hi Butata" nagulat ako sa tumawag sakin dahan dahan akong lumingun
"Oh ikaw pala Samanta" kasama niya sila Enzo, Rooney at Budey
"Tara laro tayo ng Uno cards" si Samanta
"Eh palagi naman natatalo si Rooney"
"P*tang i*a niyo dinadaya niyo ako eh!" Pambubulyaw niya samin
Nagtawanan naman kami dahil sa pag mumura niya palagi siyang natatalo kapag nag lalaro kami.
"Hi po" nagulat kami sa ng salita ang cold ng boses niya nanginginig ang aking kamay.
"Oh ikaw pala Tamad" sabi ni Samanta. Bakit ganoon kilala niya itong cute na babae pero ako hindi ang daya.
"Ay hindi ako si Sipag! Malamang nakikita mo naman diba?" Sarcastic niyang sinabi
"Ahmm.." nag papansin ako
"Ay nga pala ito si Butata, Butata si Tamad" pagpapakitala ni Samanta
"Ah, oo nga pala ikaw ung bagong pasok sa section" sabi ni Enzo
"Psh." parang walang pakialam si Rooney
"Nice to meet you Butata Macaraeg I guess so, Im Tamad Naces"
Natatawa ako kasi isang babae na matapang ang nagpakilala sakin baliktad na pala ang mundo.
"Okay guys punta na ako, hinihintay ako nila Jhaxxin at Celine. Bye Butete ay este Butata nice to meet you" tiyaka siya umalis nakita ko naman sila Celine na nag tatawanan, marami na din silang kaibigan.
Gabi noon hindi ako makatulog.
Nag open ako ng Facebook para makita ung update ng Group Chat namin para sa section lang namin
"Bakit ganoon hindi nila sinali si Tamad Naces, hay! Ako na nga lang" sabi ko sa sarili ko. Hinahanap ko sa friends ko pero wala na alala ko hindi pa pala kami friends sa facebook
"Bobo mo Butata" nasapo ko nalang ang ulo ko sa ka baliwan ko
Tinignan ko ang facebook ko ulit at may friend request sakin. Tinignan ko un at nagulat ako sa nakita ko. S-si Tamad to ah.
Nagrespond ako agad sa request niya at nag message siya ng 'hi Butata' ako naman ay nagrespond nang 'hello Tamad' doon na nga kami nagsimula naging chatmates I guess.