Special Gift

10 2 0
                                    

17- Special Gift

Butata's POV

Ano kaya ang magandang I gift kay Tamad? Precious but simple? Patulong na nga lang ako kay Janes. Siya ang magaling dito eh!

Sabay kaming pumasok ni Tamad at marami na din ang mga classmates ko na dumating, hinanap kaagad ng mga mata ko si Janes at nakita ko na nagusap nanaman sila ni Jem. Lumapit ako sakanila at napansin naman nila ako kaagad.

"Oh! Butata? May girt kana ba para sa GF mo?" Natatawang tanong niya sakin ni Jem

"Wala pa nga eh! Kaya nga ako pumunta sayo para makapag tanong kung anong maganda, ano ba ang maganda Janes, sabi niya Precious but simple, ano nga 'yun?" Nagtatakang tanong ko sa kanila. Tumawa naman sila ng malakas na parang wala nang bukas.

"Haha... Pumasok ka sa relasyon pero wala kang kaalalam alam.... Haha..... Ang.....ang tanga mo naman..haha....." Malakas na tawa ni Janes kaya nakakatagal naman ng attention.

"MR. JANES, JEM AND BUTATA! ARE YOU LESSENING TO ME?!" Nagulat kami sa pagsigaw ni Sir Martin. Lumapit naman siya samin at parang may lumalabas na usok sa ilong niya sa galit at namumula siya.

"Umm... Sir Hindi po" pabulong Kong sinabi at pakiramdam ko nakatingin lahat ng classmates ko saamin.

"Then in that case you can get out on my class, because after all you are not interested" kumalma na si sir Martin pero malakas parin ang boses niya.

"Yes sir!" Sabi ni Janes at nag saludo pa sabay takbo at tumatawa, lumabas na din ako na naglakad lang pero bago pa ako makalayo sa bintana sinilipa ko muna ang room namin at nakakagawa si sir Martin. Ginugulo gulo niya ang buhok niya at talagang namumula na parang sasabog sa galit, tumatawa naman ang buong klase.

"Gogo kayo Janes, nagagalit na si Sir Martin!" Sigaw ko habang tumatakbo parin sila ni Jem.

"Bayaan mo, uto- uto lang rin naman si Sir Martin, isang sabi lang 'yun na gwapo siya papapasukin na tayo, haha...." Tumigil sila sa tapat ng English department.

"Ah. Nga pala 'yung tinatanong ko sayo!" Pagpapaalala ko.

"Ganito ang gawin mo...... Bigyan mo ng Special Gift." Umupo na kamipara makapag pahinga.

"Anong Special Gift?" Nagtatakang tanong ko.

"Bracelet!" Parang tanga naman si Jem na tinaas pa ang hintuturo na nakaturo sa ulo niya.


"Tanga! Special nga diba?!" Bulyaw namin ni Janes.

"Baliw! Ganito kasi..... Gumawa ka ng design na maganda tapos ipagawa mo 'yung actual. Kayo ang tanga dito! Bobo!" In other side maganda ang request niya pero nahihirapan ako 5 days nalang valentines na.

"Okay, okay. Gagawin ko na! So gagawin ko ang design at ipapagawa ko 'yun pero kanino?" Nakatinginan naman sila na parang may iniisip like silent conversation

"Si Kuya ko/ niya!" Sabay nilang sinabi.


"Okay so gagawa na ako, punta lang ako sa library pero kapag hinanap ako no Tamad sabihin niyo umowi na ako kasi masama pakiramdam ko." Kinuha ko na 'yung bag ko at tumakbo na papunta sa library.

---------

3 oras na akong nandito pero wala akong maisip na design. Tinignan ko ang phone ko at naalala ko 'yung anime na about sa promise ng mga bata.

"Oo nga! Yun nalang ang design nagagawin ko!" Napasigaw naman ako at nakuha ko ang atensyon ng nasa library.

"Mr. Kung gusto mong sumigaw then go out!" Si Mrs. Librarian.


"Sorry ma'am" Mahinang sinabi ko.

Nag start na akong mag draw, first na ginawa ko 'yung bracelet na may maliit na susi.

Sinunod ko naman 'yung kwintas na may maliit na pendant na.... Ah basta! Yung picture sa baba tignan niyo.

After 5 hours natapos na rin ako at pumonta na sa first subject ng hapon, hay nakakapagod~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

After 5 hours natapos na rin ako at pumonta na sa first subject ng hapon, hay nakakapagod~.

Love Of FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon