Chapter 2- Chatmates
A week after, sabado at linggo na palagi na akong naka tutok sa phone ko pati na rin sa laptop ko walang minute na pinapalagpas ko kung mag re-reply siya sa chat ko.
'Wala ka bang ginagawa?' Tanong niya sakin
'Wala naman bakit'
'Ah okay, pweding mag request?'
'Ano?'
'Pweding gawan mo ako ng excuse letter para bukas, natatamad akong pumasok eh please' sabi niya sa chat natatawa nalang ako kasi pag sulat nalang ng excuse letter tinatamad pa
'Eh Tamad, tamad ka na naman eh, bagay pala ang name mo hahaha!'
'Basta pa excuse nalang mag palusot ka, para lusot ako hahaha T.Y. bye night Butata' Tiyaka siya nag lagout habang nag re-reply palang ako
KINAUMAGAHAN nagising ako ng maaga naalala ko ung sinabi sakin ni Tamad agad akong gumawa ng excuse letter niya tiyaka ako naligo, nagbihis na ako ng uniform kailangan kung maaga dahil flag raising ngayon.
Nandito na ako sa school at sakto lang ang dating ko, umupo na ako sa upuan ko katabi ni Enzo.
"oh pare mukang puyat ka ngayon?"
"Kaya nga napuyat ako sa kakachat" sagot ko.
Biglang dumating naman ang aming terror na teacher.
"Good morning class!".
"Good morning Sir Martin"
"You may sit down" nagsi upuan naman kami
"Okay class who is absent today?"
"Oh wala namang absent eh ay... Si Tamad po pala!" Sabi ng isang classmate ko, ay oo nga pala nagpa excuse siya sakin kagabi.
"Amm. Sir, ito po pala ung excuse letter niya" binigay ko kay sir ung excuse letter.
Bigla nalang may dumating na isang babae, mediyo may edad na mga 30 kamukha niya si Tamad.
"Excuse me sir, ako po pala ung mommy ni Tamad Naces. Absent siya kasi timatamad siyang pumasok."
"Eh ano tong binigay ng classmate niyang excuse letter"- lagot nabuking na ako huhuhu kasalanan uto ng Tamad na un.
"Okay thank you Mrs. Naces, Mr. Macaraeg let's talk after the class." Lagot mapapagalitan nanaman ako huhuhu.
NATAPOS na ang klase at nandito parin ako sa room.
"What's the meaning of this Mr. Macaraeg?" Galit na sabi ni sir
"Umm sir sorry po kasi nag request siya na e-excuse siya kaya ginawa ko naman po"- pagmamakaawa ko kay Mr. Martin.
"Okay, palalagpasin ko ito Mr. Macaraeg, pero next time i will punish you. Is that clear" padiin niyang pagsabi.
"Thank you po" yan nalang ang nasabi ko natatakot ako sakanya.
Lumabas na ako ng room at pumonta sa canteen at nag order ng food.
Buong araw, kasama ko sila Samanta at Enzo absent din si Rooney may sakit raw.