Ang pag-uusap na ito sa pagitan naming magkaibigan na itatago ko na lamang sa pangalang "Jojo" ay nangyari noong June 7, 2013.
Jojo: Pare, hiniwalayan ako ng girlfriend ko kahapon lang. Hindi na raw niya kasi kaya. Tinanong ko naman kung ano yung hindi na niya kaya. Ang sabi niya, yung ugali ko daw. Sobrang inisip ko nang malalim kung ano ba yung nagawa ko sa kanya pero wala akong maalala. Naging mabait naman ako sa kanya. Lahat naman ng gusto niya, binibigay ko - kahit oras ko. Siya pa nga minsan yung nakakakalimot sa akin eh. Tinanong ko ulit siya kung ano pa yung naging problema. Paulit-ulit niyang sinasabi na ako yung problema niya. Ang labo talaga sa utak ko kung ano yung naging ugat nito.
Ako: Gaano na kayo katagal?
Jojo: 6 months. Malapit na sana mag-7.
Ako: Doon sa halos 7 months ninyong pinagsamahan, ilang beses kayong nag-away?
Jojo: Marami eh. Hindi mabilang. Pero matagal yung pagitan ng bawat away.
Ako: Ano ang kadalasang nagiging sanhi ng awayan niyong dalawa?
Jojo: Minsan kasi, nami-misinterpret niya ako. Minsan naman nami-misinterpret ko siya. Medyo madalas kaming hindi magkaintindihan.
Ako: Mahal mo siya?
Jojo: Sobra. Higit pa sa buhay ko.
Ako: Diyan tayo may problema. Dapat minahal mo muna ng higit yung sarili mo bago ka nagmahal ng iba. You can't give what you don't have! Kasi pag minahal mo nang sobra ang isang tao pagkatapos ay hindi ka naman nagtira para sa sarili mo, mapapagod ka at mapapagod din siya - kasi ikaw, walang love sa sarili mo, tapos siya, nalulunod naman halos hindi na makahinga. Ang bagay, kapag binigay mo ng sobra, hindi maganda. Hindi healthy ang magiging relationship kung ganyan ka magmahal.
Jojo: Bakit sabi niya, ayaw niya yung ugali ko?
Ako: Nag-blackout na ang utak mo. Nakalimutan mo kasing pansinin yung sarili mo kasi lahat ng focus mo nasa kanya. Nabubulag ka pansamantala kasi hindi mo minamahal yung sarili mo. You're getting obsessed sa girlfriend mo. Unconsciously, kinukulong mo siya sa hawlang ikaw mismo ang gumawa. Hindi ka aware kasi nagmamahal ka ng sobra na sa akala mo naman ay mabuti pero hindi mo alam, umabot ka na sa point na sinasakal mo na siya at hindi na siya makahinga.
Jojo: Pakiramdam ko kasi ginawan niya lang ako ng butas para magkahiwalay kami.
Ako: Talagang gagawa yan ng butas. Ang higpit ng hawak mo sa leeg niya eh. Isipin mo, wala pa kayong isang taon, ganyan ka na. Paano na lang kapag umabot pa kayo ng 2, 3, 4, at marami pang years? Baka hindi na rin niya siguro kilala sarili niya by that time.
Ako: Kung bibigyan ka ng chance na sabihin mo sa kanya yung mga bagay na hindi mo nasabi sa kanya, ano'ng sasabihin mo?
Jojo: Love, sorry kung late ko nang na-realize na nasasakal na pala kita. Sorry kung sobra kitang minahal. Akala ko kasi mabuti yun pero hindi na pala pag sobra na. Sorry kung madalas tayong nagkaka-away dahil hindi kita iniintindi. Mahal na mahal kita. Sana mabigyan mo pa ako ng isa pang chance.
BINABASA MO ANG
When Heart Talks
Non-FictionAng akdang ito ay para sa mga Pilipinong nawawalan ng pag-asang maranasan ang tunay na pag-ibig. Ito'y magmumulat ng inyong kamalayan na ang pagmamahal ay walang pangalan at walang mukha.