Part III

67 3 2
                                    

Ang tunay na pag-ibig, walang "PERO", walang "KASO", walang kondisyon, walang pagtataka. Kapag nagmahal ka, dapat buo ka na para buo mo ring maibigay sa taong mahal mo. Hindi ka pwedeng magmahal kapag hindi ka sigurado. Dahil kapag nagmahal ka nang hindi sigurado, niloloko mo lang yung ibang tao at lalong lalo na yung sarili mo. 

Na-experience niyo na ba sa buhay niyo ang tunay na pag-ibig? Tanging kayo lang ang makakapagsabi niyan kasi kayo lang ang nakakaramdam. Pero paano nga ba malalaman kung nalilinlang ka na? O kaya'y nabubulag ng sarili mong pagmamahal? Siguro sa isang banda, paminsan-minsan ay dapat masugatan ang mga puso natin. Tandaan niyo na walang pagmamahal na puro sarap lang - lagi yang may pait, may sakit. Kung sa palagay mo ay may problemang parating sa relasyon mo sa ibang tao, hayaan mo lang. Kasi 'yan ang magtuturo din sa'yo kung paano talaga magmahal. 

Kung unang beses mo pa lang nagka-relasyon, yung pagmamahal na baon mo nun ay hilaw pa. Yung pagmamahal na yun na akala mong hinog na hinog na ay yung pagmamahal na dala-dala mo mula noong ipinanganak ka. Immature pa at kailangang pagtibayin pa ng mga pagsubok at panahon. 

Isang regalo ang pagmamahal na dapat ay iniingatan. Hindi yan laruan na basta-basta mo na lang naibabahagi sa iba. Hindi yan basta-basta pinapanakaw. Hindi rin kadali na makatanggap nito sa sobrang halaga na nakapaloob dito. Love is like a diamond - it's priceless. 

When Heart TalksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon