Part VIII

43 1 1
                                    

Ilang linggo at nakalipas nguni't wala na akong nakausap kina Jessica at Reena o kahit si Jojo. Akala ko'y naging tahimik na ang lahat hanggang isang araw ay dali-daling tumawag sa akin si Jessica. Humahagulgol at tila hinahabol ang hininga habang ako'y kinakausap.

Jessica: Kuya! May nangyaring masama! Tulong!

Ako: Ano'ng nangyari?

Jessica: Si ate, sinugod sa ospital!!

Ako: Ha?? Sige pupunta ako.

Dali-dali akong tumungo sa ospital na hindi ko na lamang papangalanan. Walang tumatakbo sa isip ko noon maliban kay Reena na alam ko sa sarili ko na may nangyaring hindi kanais-nais.

Pagdating ko sa ospital ay agad kong nasilayan si Jessica na nagmumukmok sa isang tabi. Puro dugo ang kanyang damit at kamay. Kinabahan ako agad at tuluyang tumakbo sa isip ko na may nangyari na ngang masama kay Reena. Agad kong tinanong si Jessica.

Ako: Ano'ng nangyari? Bakit ang dami mong dugo sa katawan?

Jessica: Si ate po kasi.. Nakita ko na lang siya sa kwarto na may hawak na kutsilyo habang lumalabas ang maraming dugo sa pulso niya sa kamay at leeg.

Natahimik ako noong sinabi niya iyon at agad akong tumungo kung nasaan si Reena noong mga sandaling iyon. Habang ako'y tumatakbo ay nakasalubong ko ang doktor na tumanggap kay Reena sa ospital.

Doctor: Kamag-anak ka ba ni Reena?

Ako: Kaibigan po niya ako. Nasa labas ang nakababata niyang kapatid..

Doctor: I'm sorry to tell you that we failed to revive the patient.

Natahimik ako at nag-blangko ang isip ko. Hindi ko akalain na ang pag-uusap namin noong mga nakaraang linggo ang magiging huli naming engkwentro. 

When Heart TalksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon